18 | pitch-beat

59 3 0
                                    

B/N

Since this is originally an ebook-liit sa twit au, maikli lang talaga ang kuwento. Kaya ito na 'yong last chapter. Pero fasten your sinturon kasi ito na ang pinakamahabang chapter! YAY! Happy reading! ///O-O\\\

###

"ANO - Pitch," tawag ko habang dinudutdot ang balikat ni Pitch para gisingin. Pangatlong tawag at dutdot ko na sa kanya. Hayaan ko muna ba siyang matulog?

"Aso ba 'yan o mura?" 

OH-M-ZZZGTZST! Biglang may nagsalita! Napatingin ako sa paligid. 

Inalis ni Pitch ang sumbrero sa mukha. Tumuwid siya ng upo at humarap sa akin. "Sabi mo, Bitch."

Napatingin ako sa kanya. Siya 'yong—Teka, Bitch? Holo! 

"Hindeeeee. Pitch 'yon! Pitch. Hindi ako nagmumura."

"Hindi ka nagmumura?"

Kuntodo iling ako. "Masakit kasi 'yon. Sa tenga? Saka - dito," hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko. "Minsan kapag..." nagkamot ako ng ulo. "Ano, bad words kasi."

Inabot ni Pitch ang ulo ko at tinapik-tapik na para akong aso. "Good girl."

#

GAAAAAAHD! Tinapik ni Pitch ang ulo ko gaya sa anime at K-Drama romcoms! Pinalobo ko ang pisngi ko para hindi mapatili.

"Anong nangyayari sa 'yo?" tanong niya at sinilip ang mukha ko.

Gahd! Holo! Gaaaahd! Too close for comfort. Agad akong bumalik sa upuan ko sa kilig. Pero hindi ako makaharap sa kanya kaya kinuha ko ang nag-iisang pizza at kinagat.

"Order pa tayo?" sabi niya. At - parang may kakaiba sa mga mata niya sa pagtingin. Parang may... tuwa?

Napatingin ako sa pizza. Agad ko iyong binitiwan sa pinggan. Binigay ko na nga pala sa kanya 'yon dahil sabi ko busog na ako. 

"Hindi - hindi na. Busog na ako, promise," sagot ko with peace sign. "Sa - salamat. Salamat pala," ani ko at nahihiyang yumukod. "Sa libre. Sorry, nakagat ko..." itinuro ko ang pizza. 

"Sorry rin. Kasi kailangang lagi kang mag-sorry sa 'kin. Quits," sabi niya at nag-rock sign. Ang kewl huhu.

#

"ANONG gagawin natin sa tirang pera?" tanong ni Pitch, inilibot ang paningin sa fast food.

"May tira pa?" Para namang hindi gano'n karami ang naghulog, ah. 

"May naghulog ng isang tatlong mukha. Tapos may barya pa at ilang buo. Kaya marami akong nabili."

Oh. May naghulog ng 1K? Kaya pala. Baka avid Sicko! Naalala ko. Wala nga pala akong pamasahe pauwi. Puwede kaya akong umutang? Kaso nakakahiya. Maglalakad na lang ako pabalik sa trabaho. In two hours mararating ko na 'yon. Doon na lang ako manghihiram. 

"Anong iniisip mo?" tanong niya. 

"Ha?" Anong nangyari? Tahimik siya dapat, ah.

#

"MAY tanong ako," tuloy ni Pitch.

Holo! Bakit? Bakit siya magtatanong?!

"Sitwasyon. May mga taong ginagawa at sinasabi kung anong gusto nila, kahit obvious na mali o masama. Wala silang pake sa masasagasaan at kagigisnan, feeling nila ang cool pa nila. Ikaw, wala namang mali sa ginagawa mo. Pero bakit parang - nahihiya o natatakot ka - ba? Kung oo," tumiim ang blangkong tingin niya sa akin, "saan at bakit?"

PERFECT PITCH (Drummer Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon