A WEEK has swiftly passed and Gab is back to her daily routine: getting ready for work. She energetically welcomed the day with a smile. She smiled at her colleagues. She even saw her ex Doctor John and her ex friend Joanne. They were attending a young patient with pneumonia. Napatingin ang dalawa sa kanya at gayon din siya. Despite her anger, she managed to smile at them.
"Hi, Doc John!" nakangiti niyang bati rito na ikinabigla naman ng dalawa.
She continued walking until she reached the locker room.
"Ang blooming natin ngayon, Nurse Gab!" sulpot ni Nurse Faye sa silid.
"Okay ka na?"
"Okay naman ako. 'Di na dapat pinag-aaksayahan ng luha ang mga ahas," sambit niya rito habang nilalagay ang kanyang gamit sa kanyang locker.
"Tama 'yan, Gab. May darating pang mas higit pa d'yan sa Doctor John na 'yan." Lumapit ito sa kanya at hinimas-himas pa ang kanyang likod.
She smile at her. Isa si Nurse Faye sa mga matagal nang nurse sa ospital na ito at nanay na rin kung ituring karamihan.
"Wassup! Oh, Nurse Gab, 'musta na?! Mukhang maaliwalas tayo, ah," pangbulabog naman ni Nurse Mark.
Binatukan ni Nurse Faye si Mark dahilan para magpigil siya ng tawa.
"Piste, hinaan mo naman 'yang boses mo!"
Nag-peace sign si Mark kay Nurse Faye. "Sorry naman po, Nurse Faye."
"Ayan lagi mo na lang kaseng ginugulat, Mark. Alam mo namang magugulatin itong si Nurse Faye," sita niya rito na agad din namang niyakap si Nurse Faye.
"Ano ba ang secret natin d'yan at maaliwalas ka na?"
"Acceptance lang naman at moving forward," sambit niya kay Mark habang inaayos ang kanyang puting uniporme.
"Ikaw ba talaga yan, Gab?!"
Muli ay nabatukan na naman siya ni Nurse Faye dahil sa kanyang malakas na boses. Napailing na lamang siya rito.Bigla na lamang napahinto ang dalawa. Their faces went pale upon looking at the door. She turned to see and saw someone standing there. It was Joanne.
Tahimik na lumabas ang dalawa at naiwan siya sa silid kasama ang kakarating lang na si Joanne. She didn't mind and continue her thing.
"Kumusta?"
She smirked. "Mabuti naman," aniya.
"Sana maging maayos pa rin tayo."
Gusto niyang ilabas lahat ng galit na nakatago sa kanyang kalalim-laliman. Ang kapal nga naman talaga ng pagmumukha ng babaeng ito. She wanted to get mad and slap Joanne on the face. But she just looked at her with her cunning and charming smile. "Oo naman."
"Hindi ka galit?" A smile crooked out of her face. Not the ones Gab usually see when they were just friends, but a fake one.
She smiled in return.
"Oo naman. Hindi ko naman kailangang magpakalugmok. At saka masaya nga ako eh dahil kinuha mo iyong napagsawaan ko. Parang gamit na... pinaglumaan ko?"
Joanne's brows arched. Her fake smile was replaced for an angry look.
"Remember, Gab. Ikaw ang nagpabaya. Kung magaling ka lang ba sa kama, e 'di sana ngayon nandyan pa rin si John sa 'yo. Kaso nagpapabebe ka pa." Tiningnan siya nito mula ulo, hanggang paa. "Kaya sorry, magaling kasi ako."
Marahan siyang lumunok. Gusto niya na talagang hablutin ang buhok nito at iuntog at ikiskis ang mukha nito sa pader.
Umalis itong nakangisi at siya naman ay naiwang nanggagalaiti.
BINABASA MO ANG
Tequila Baby "FUBU" (Scandalous Series #1) | ✔
General FictionThe last scene that Gab could remember in having a relationship is that one formative scene of her ex-boyfriend and her co-worker. Naabutan niya ang kanyang katrabaho na kinakalantari ang kanyang nobyo sa condo nito. Their betrayal strucked her the...