Pagkarating nila Gab ay sumalubong ang malaking bahay ni Ralph. May dalawang gate ang bahay at fountain sa harap. May tatlo pang mamahaling sasakyan ang nakahilera sa garahe nito at isang motor na kadalasan ay sa television niya lang nakikita. Mas lalo siyang humanga nang makapasok sila sa bahay ng binata. Halatang lalaki ang nagmamay-ari dahil sa black nitong mga furniture at disenyo. White cream naman ang dingding. Simple siyang tingnan pero mamahalin ang mga struktura na ginamit dito.
"Are you just going to stand there?" he'd asked after they entered the dining room. Sumunod siya rito at natagpuan itong naglalagay ng tubig sa baso at ibinalik ang pitsel sa ref nitong two-door. Ibang klase talaga ang yaman ng lalaking ito. Iyong mga nakikita niya lang na mamahaling kagamitan sa palabas sa television ay nandidito na sa bahay ng lalaking ito. Inabot ng binata ang baso na naglalaman ng malamig na tubig sa kanya. Agad niya naman itong kinuha at ininom dahil nanuyo ang kanyang lalamunan sa nakita. Nakatingin lang ito sa kanya hanggang sa maubos niya ang tubig. Kinuha ulit nito ang kanyang baso at agad na nagtungo sa lababo.
Napataas siya ng kilay nang hugasan nito ang baso na kanilang ginamit. Aba't talaga namang malinis din ang taong ito. Ni wala siyang nakitang maid.
Nag-iwas siya ng tingin nang matapos ito sa paghuhugas.
"Come. I'll show you the guest room. I know you're already tired," he said while drying his wet hands on the towel.
Umakyat sila sa hagdan at maraming pinto ang nandodoon at sa dulo ng pinto ay pumasok ang binata. Sumunod naman siya rito. Bumungad ang malaki at malambot na higaan.
"Dito?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ito. "Why? May problema ba?"
"Masyado kasing malaki ang higaan," turo niya sa higaan. "Kahit sa single bed kasya na ako."
She saw his irritating grin. "Wala akong single bed dito." Tumalikod na ito. "Magpahinga ka na. If you need anything, don't hesitate to knock on my office-d'yan lang sa first floor," sambit nito bago tuluyang isara ang pinto. Wala itong karea-reaksyon. Para rin nitong nakalimutan kung bakit siya nasa buhay nito. Ni hindi pa siya nito nagagalaw o 'di kaya ay nahahalikan.
Humiga siya sa malambot na higaan. Napadaing pa siya sa sobrang ginhawa na nadama. Hindi niya aakalaing makakahiga siya sa ganitong higaan. Ilang minuto siyang natulala sa acrylic modern led ceiling light. Masyado kasi itong maganda at bihira lang makita.
"Hindi kaya bading si Attorney Molina?" tanong niya sa hangin.
"Seriously, Gab?" sagot niya sa sarili. Napabuga na lamang siya ng hangin at ipinikit ang mata nang magsimula na itong mamugto.
PAGKAMULAT ng kanyang mata ay si Ralph agad ang kanyang nabungaran na nakaupo sa couch.
"You're awake." That was a statement.
Napapikit-pikit pa siya bago tumango rito. "Ano'ng oras na?"
"4:30 PM."
Napahilamos siya ng sariling mukha sa pagkabigla. "Napasarap yata ang tulog ko."
"Halata naman." He suddenly stood up and looked at his wrist watch and poke again. "Naghanda ako ng makakain natin sa kitchen, sumunod ka na lang," he said coldly, then left.
Naiwan siyang tulala. Aba't ano ba ang problema ng lalaking iyon? Kung hindi manggugulat, magsusungit naman.
Naghilamos muna siya at nagmumog bago lumabas. Akala niya walang restroom sa kwartong iyon dahil ang wall at pinto ay magkakapareho ng disenyo. Pagkapasok naman sa restroom kasing laki naman ng kwarto niya roon sa Condominium. Walang patawad ang bahay na iyon. Kahit na hindi sabihin para bang nanliit siya rito.
BINABASA MO ANG
Tequila Baby "FUBU" (Scandalous Series #1) | ✔
General FictionThe last scene that Gab could remember in having a relationship is that one formative scene of her ex-boyfriend and her co-worker. Naabutan niya ang kanyang katrabaho na kinakalantari ang kanyang nobyo sa condo nito. Their betrayal strucked her the...