Booklat Award

17.1K 239 30
                                    


Hindi ito update. Hahahaha

May naganap na awarding sa Booklat Glow Up (September 14, 2019 SMX) at kasama ako roon sa nabigyan. Gusto ko lang i-alay ito sainyo. Yong mga kaunting nagbabasa ng mga kwento ko sa booklat app. Maraming salamat sainyo! Dahil sainyo, nagkakaroon ako ng mga ganito. Oo inaamin ko na minsan gusto ko talagang i-unpublish ang mga kwento ko kase napapaisip ako na, 'Ano ba 'yan, wala namang nangyayari sa mga kwento ko, konti lang yong sumusuporta. Hindi parin ako napapansin ng mga publishing.' Pero sa totoo guys, may mga nag aalok na saakin. Ako lang talaga ang ayaw kase natatakot ako na baka hindi ito mabenta sa mga bookstore, baka amagin lang ang mga libro ko, baka walang magpapapirma saakin kapag may booksigning. Kase alam ko karamihan ng readers ko rito ay taga ibang bansa or OFW, tama ba? Ang daming 'Baka' sa utak ko na, to the point na gumawa ako ng ibang way para suportahan niyo yong mga gawa ko, ipinagkatiwala ko sa ibang tao at sa nakikita ko masaya namang may bumibili sa gawa ko, masaya namang may nagpapapirma ng gawa ko. Hindi naman ako ang pipirma, kung hindi yong ipinagkaloob ko. Masakit sa part na hindi ko kayang ipagmalaki yong gawa ko dahil ibinenta ko ito sa ibang writer, wala na akong rights sa kuwento ko at hindi ko na siya pwedeng angkinin. Ito yong dahilan guys ku g bakit panay un-pub ako, yong mga kwentong natatapos ko ay ibinibenta ko sa ibang writers. Yan din ang dahilan kung bakit nahihirapan ako magsulat ngayon. Dahil lahat ng idea ko para sa mga kwento ko, nailagay ko na roon sa kwentong ibinenta ko. Patawarin niyo ko guys sa part na yan. Nakita ko kase kahapon na maraming nagpapirma sa gawa ko, sobrang nanghinayang ako. Gusto kong umiyak sa MIBF pero kasalanan ko rin naman.

Ipinapangako ko ngayon na hindi na, hindi na ako magbebenta pa ng sarilo kong kwento. Gusto kong ipangalan saakin at para tumatak na yong mga gawa ko ay galing sa puyat, heartache, pagod, luha ko. Gusto kong itatak na ako, ako ang nagsulat niyan.

Kaya Guys, maraming salamat kahit ilang beses akong huminto, nandyan parin ang iilan sainyo. Maraming Salamat Po!❤

Gusto ko ring magpasalamat sa President ng Precious Hearts Romances na nagtataguyod din ng Booklat dahil kahit na may nalaman kayo saakin Sir Segunda (yan talaga tawag ko haha), pinagbigyan niyo parin po akong magbago at kay Ma'am Yanes na part din ng PHR at nagtataguyod din sa Booklat, maraming salamat po Ma'am kahit na sobrang kulit ko na, yong nagpm ka po tapos ako panay, totoo ba talaga na kasama ako? Haha. Tapos pagkarating ko po roon sa event, isang napakatamis na ngiti ang sinalubong niyo saakin. Maraming Salamat po!❤

 Maraming Salamat po!❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tequila Baby "FUBU" (Scandalous Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon