KEITH
"Keith I'll be proposing to her."
"Keith I'll be proposing to her."
"Keith I'll be proposing to her."
'Yan ang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko habang naglalakad ako sa kawalan. I feel so much pain in my chest, and I'm so mad at myself more than anyone else. Imagine ha, yung bestfriend mo nagdecide na magpropose at pakasalan ang babaeng mahal na mahal 'nya, but the problem is you can't get yourself to be happy for him. Feeling ko napakaselfish ko. Hindi ko rin naman kasi maintindihan 'tong lintik na puso ko kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, kay Lucas pa nahulog.
I decided to get drunk tonight. I'm gonna drown my feelings for him with alcohol, together with all this pain. I'm not really a hardcore drinker lalo na ang mag-inom mag-isa, but I need this now. Ngayon lang 'to, and tommorow I'll go back to the role of being a bestfriend na dapat ay masaya para sa kaibigan nya. Bukas babalik nanaman ako sa pagtatago ng nararamdaman ko, sa pagpapanggap na masaya, sa pagpipigil ng sakit. But tonight I'll allow myself to feel the pain, dahil kung hindi ay baka sumabog lahat ng nararamdaman ko ng wala sa oras, at ng wala sa lugar.
I find myself entering a bar, pero ang nakakainis lang ayaw akong papasukin ng bouncer. Bwisit!
"Boy bawal nga ang menor-de-edad dito."
Unbelievable! Dramang-drama na 'ko eh. Napafacepalm na lang ako. Kung bakit ba naman kasi yung height ko na-stuck sa pang grade 7, tapos pinagkaitan 'pa ko ng facial hair.
"Eh hindi na nga ako menor-de-edad kuya. 24 na 'ko!" pamimilit ko.
"Sige patingin na lang ng ID mo."
I scanned my wallet, at buti na lang nandito yung alumni ID ko. I fished it out, then handed it over to him. Palipat-lipat ang tingin ni kuyang bouncer sa ID ko at sa akin. Mukhang ayaw maniwala.
"Kuya ano na? Two valid ID's ba dapat? Or baka NBI at police clearance kailangan mo din?" inis kong tanong in a sarcastic tone. Heartbroken na yung tao iniinis pa eh.
"Ayy hindi na sir. Pasensya na kailangan lang po talagang i-double check. Sige sir pasok na kayo. Enjoy." si kuyang bouncer na mukhang may duda pa din, sabay abot ng ID ko.
"Enjoyin mo mukha mo!" syempre sa isip ko lang. Masapak pa 'ko dito.
Tumango na lang ako tsaka dumeretso sa bar. Sa wakas makakapagemo-emo na 'ko.
"Scotch on the rocks." Sabi ko ng nakayuko sa bartender sa likod ng bar. Parang maluluha na naman ako.
"Sir buti nakalusot ka dun sa bouncer." banat ng bartender.
"Huh?"
"Wala ka pang 18 'no?" seriously? Isa pang magsabi na underage ako makakasapak na talaga 'ko.
"Are you gonna serve me a drink, o susungilngilan ko ng yelo yang bunganga mo? And to answer your question, bente kwatro na 'ko." Inis kong sagot.
"Ayy heto na nga po sir, wait lang." Tarantang sabi ng bartender. Dapat lang.
Please don't get me wrong. Hindi naman talaga ako masungit o suplado. Pero ewan ko ba. Parang ngayon gusto kong sigawan lahat ng tao.
-------
'Di ko alam kung gaano kadami na ang nainom ko, pero medyo nahihilo na 'ko. Diretso lang akong nakatingin sa make shift stage ng bar kung saan may nagpe-perform na banda. Mukhang 'di lang ako ang sawi sa gabing ito base sa mga kantang nire-request ng mga tao sa bar.
BINABASA MO ANG
My Stubborn Prince
RomanceKeith is someone you could aspire to be. A co-owner of a successful coffee shop, an established freelance writer who earns handsome amount for his works, at gwapo...well more like cute. Everything's going perfectly fine with his life, except for a...