KEITH
"Masakit pa ba ulo mo?" Matt asked me after I woke up from a nap.
We're on our way to Magalawa, an island in Zambales for our yearly outing and team building. I'm sure it'll be fun 'cause this year mas madami kami. At syempre may sabit kaming kasama - ang asungot na si Matthew. Talagang nagpumilit syang sumama kahit di naman sya nagtatrabaho sa Bourbon. Ayaw daw nya mabagot mag-isa sa Manila. If I know gusto lang nyang makalibre ng summer getaway.
Sayang nga lang kasi di namin kasama si Lucas kasi di pa tapos ang trabaho nya sa Cebu. Di rin naman namin ma-move yung date kasi naka-plano na to two months ago pa. Kumusta na kaya sya? I must admit miss na miss ko na sya.
"No, I'm fine. Malayo pa ba tayo?" I asked Matt.
"Mga two hours pa daw. Aren't you hungry? I'll get you a sandwich."
Tinanguan ko lang sya.
"Ayy wow alagang-alaga ah. Mag-jowa kayo ghorl?" Sabat bigla ng dambuhalang si Mae. Kanina pa pala sya nakatingin sa min ni Matt.
"Matt pakiabot na din ng basahan. Bubusalan ko lang ang bunganga nitong kasama nating oompa loompa." Sabi ko kay Matt.
"Ang harsh mo talaga sakin friend. Matt ligawan mo na kasi yang si Keith at nang mabawas-bawasan ang pagkademonyito. Kala mo laging may regla." Sumagot pa ang oompa loompa na nagpa-init ng mukha ko. Gaga sya. Nakakahiya, buti sana kung sakin lang nya sinasabi ang mga bunga ng maruming imahinasyon nya. Mamaya mag-assume pa ang depungal na si Matthew na type ko sya.
Tinawanan lang sya ni Matt.
"Kung anu-ano nanaman ang lumalabas sa malaki mong bibig Mae. Pag hindi ka pa tumigil di lang basahan ang isasalpak ko sa bunganga mo." Banta ko sa kanya.
"Edi wow po! Bebe Francis tingnan mo si sir Keith ang harsh nya sakin." Pagpapa-cute nya. Shuta sya kahit yata ang bagong empleyado namin papatusin nya.
"Ayan talandi ka nanaman. Francis mag-ingat ka sa oompa loompa na yan. Naku nagta-transform yan kapag kabilugan ng buwan." Banat ko pa sa gaga na tinawanan ng lahat maliban sa nakabusangot na oompa loompa. Napikon ang gaga. Hahaha.
—
We finally arrived at the island after two hours. We booked three rooms. One is for Mae and Karen, and for us guys, we drew lots kung sinu-sino ang magkashare ng kwarto. Sa kasamaang palad, si Matthew ang kasama ko sa isang kwarto, habang sina Allen at Francis ang magkasama.
Nag-iihaw kami ngayon ni Mae ng mga seafoods na pinamili namin kanina for our lunch, habang ang iba naming kasama, nag-aayos ng mga gamit namin.
"Friend and perfect, kasama mo si papa Matthew sa room. Chance mo na para manalo ng pangkabuhayan showcase! Galingan mo mag magperform ah. Dapat todo bigay ka. Oh my god, nakaka-excite." Sabi ni Mae. Bwisit to umaandar nanaman ang pagkamahalay nya.
"Mae kanina ka pa ha. Kilabutan ka nga dyan sa mga sinasabi mo." Sagot ko.
"Joke lang, ito namang friendship ko napaka-pabebe."
"Ewan ko sayong babae ka. Napakamalumot ng utak mo."
"Kaysa naman sa pa-virgin effect mo ano? Pero seriously friend, wala ka ba talagang ibang nafe-feel dyan kay papa Matthew? I mean lately sobrang nagiging close na kayo tapos iba din kung mag-alaga friend, nakakarupok. Hindi ka ba tinatablan man lang kahit konti? Naku kung ako yan di pa ko nililigawan sinagot ko na, now na! Kara-karaka."
BINABASA MO ANG
My Stubborn Prince
RomanceKeith is someone you could aspire to be. A co-owner of a successful coffee shop, an established freelance writer who earns handsome amount for his works, at gwapo...well more like cute. Everything's going perfectly fine with his life, except for a...