KEITH
"Ano bang problema mo? Let go of me!" sigaw ko kay Matthew nang makalabas kami ng bar. Parang mas lalo akong nahilo.
"Matutumba ka 'pag binitawan kita. Alak pa. I didn't know you could be that stupid. Iinom-inom, di naman pala kaya." mas lalo nyang hinigpitan hawak nya sakin. Ano kayang trip nito?
"Anong stupid!?" sigaw ko ulit.
"What you did back there. Lasing ka and you didn't even know kung sino yung lalaking yun or where he will take you." Diretsong sabi nya. I didn't know he could be this imposing. Well he stands 5 feet 11 inches despite his young age, I figured.
"You don't fucking care! Bitawan mo ko. Uuwi na ko." naluluha na ko. Tama naman kasi yung sinabi nya.
"Sige nga sabihin mo sakin pano ka uuwi. Mukhang kahit bahay nyo hindi mo na alam kung san papunta. Kargo pa kita. Sakay!" he commanded gesturing to his motorbike.
"No. Iinom pa ko!" Sigaw ko ulit.
"Sasakay ka at uuwi na tayo, or I will call kuya Lucas to pick you up?" banta nya. No. Lucas can't know na naglasing ako. Wala pa 'kong naisip na ida-dahilan. Mangungulit yun.
"Why are you doing this Matthew? Enjoy ba talagang bwisitin ako?"
"'I can't leave you here alone, 'cause you're stupid. Sakay na!"
"Ano naman pake mo sakin?!"
"Pag may nangyari sayo at nalaman ni kuya that we we're at the same place, sa tingin mo 'di ako sasapakin non?"
"Whatever!" sumakay na lang ako. Hilung-hilo na talaga ako. I feel like throwing up.
"Wag kang matutulog baka mahulog ka." iniyakap nya sa may bewang nya ang mga kamay ko tsaka pinaandar ang motor.
-------
Nakauwi na kami at iniakyat ako ni Matthew sa kwarto sa taas. Teka wala namang second floor ang bahay namin ah. Hayaan mo na nga baka pinagawa kanina ni mama.
"Pagtitimpla kita ng kape para mahimasmasan ka na." nagsalita si Matthew.
Tahimik lang akong nakaupo sa kama.
"What happened to you Keith, at naglalasing ka mag-isa? You can tell me. You don't have to act so strong all the time you know." Malumanay nyang sabi. Kala ko puro katarantaduhan lang alam sabihin nito.
Tahimik pa rin ako. Bumalik nanaman lahat ng nangyari kanina, kasabay ng pagbalik ng lahat ng sakit na kinikimkim ko. Kung panong pinamukha sa kin ng mundo that the only person I have loved, and I will ever love will never love me back.
Flashback.
"Keith tara uwi na tayo. Movie marathon tayo sa bahay." Si Lucas. Kasalukuyan kaming nasa coffee shop namin at pino-proofread ko ang sinulat kong article para sa isang New York based business magazine.
"Di pa pwede Luke. Magche-check pa ko ng inventory ng supplies natin mamaya. Hintayin mo na lang ako sa inyo." Nakangiti kong sagot.
"Just ask Allen or Mae to do it. Namimiss ko na bestfriend ko. Ang busy mo lagi sa trabaho." Pagpapacute nya. Shuta ang gwapo talaga ng lalaking to. Lalo tuloy akong nahuhulog.
"Gago nakakahiya. Kanina pa madaming customer. Pagod na sila pagkasara mamaya." Sagot ko.
"Naku sir Keith keri na namin ni Allen yun. Kami na magsasara ng shop. Sir Lucas kanina pa subsob sa laptop yang si sir Keith, di pa naglu-lunch." Sabat ni Mae na isa sa dalawang empleyado namin dito sa coffee shop, sabay kindat nya sakin. Gaga talaga tong babaeng to. Actually alam nya na may gusto ako kay Lucas. May pagkatsismosa e, tsaka close friends na din ang turingan namin. Actually close kami sa mga empleyado namin. We see to it na hindi sobrang pormal ang set up namin sa shop. No pressure kumbaga.
BINABASA MO ANG
My Stubborn Prince
RomantizmKeith is someone you could aspire to be. A co-owner of a successful coffee shop, an established freelance writer who earns handsome amount for his works, at gwapo...well more like cute. Everything's going perfectly fine with his life, except for a...