Chapter 4

96 5 0
                                    

KEITH

"Alam mo friend 'di rin kasi kita  maintindihan, why did you chose to remain like that. I mean you've been secretly loving your bestfriend for ten years now. Gumraduate nakayo, nagkagirlfriend na sya't lahat-lahat, at ngayon nga ay magpapakasal na sya anytime soon, pero ikaw andyan ka pa rin, naka-nganga lang. Ang martir mo friend, hiyang-hiya sayo si Jolina Magdangal, talo mo pa ang role nya as Bujoy sa "Labs Kita... Okey Ka Lang?" Sabi sa kin ni Mae ng ikwento ko sa kanya yung napag-usapan namin ni Lucas kagabi.

"So tanga ako ganun?" Sagot ko. Pero alam ko namang may sense ang sinasabi nya.

"Medyo friend. Look, what I am trying to say is, maybe it's time for you to open-up yourself to other people. Masyado mong ikinulong yang sarili mo sa isang taong di naman masusuklian yang pagmamahal mo." Si Mae. Minsan talaga malawak din ang wisdom ng babaeng to.

"You cannot unlove a person overnight, you know."

"Yeah you're right, but you will not be able to make any progress kung di mo sisimulan. Whether you like it or not, you have to accept the truth that's in front of you, and sooner ar later you will have to move on. Both you and Lucas have your own separate lives, and you have to start thinking about yours, kasi di naman pwedeng lagi ka na lang iiyak dahil sa kanya. Given na yung bestfriend ka nya, pero hindi habambuhay nasa tabi mo sya, and you have to come to terms with the fact na magpapakasal na ang bestfriend na minamahal mo nang patago. Maiiwanan kang mag-isa." Mahabang sabi nya. It hurts like hell hearing it knowing that every bit of it is true.

"I don't know where to start, and I don't even know if I'm now ready to start moving on. Mahal na mahal ko sya. Lucas is my concept of love." Shit parang maiiyak nanaman ako.

"Ayy jinowa friend? Pero ramdam kita, but you still have to at least try. Loosen up a bit and start conversations with other people. Masyado ka kasing stiff kaya wala ding naglalakas loob lumapit sayo."

"What do you mean?"

"Kasi nga parang nangangain ka ng tao kaya walang lumalapit sayo, kahit gaano ka pa kagwapo, plus medyo tanga ka nga kaya di mo din napapansin yung mga nagpapa-cute sayo."

"Gwapo ka dyan. Tsaka nagpapacute? Parang wala naman."

"Kasi nga yang mga mata mo naka-fix lang kay sir Lucas. Alam ko di ka aware pero yung fes mo friend, universal."

"Huh?"

"Universal ang kagwapuhan mo, kahit sino lilingunin ka. Mapagirl, boy, bakla, tomboy. Sobrang gwapo minsan at cute naman minsan, depende sa tumitingin. Heto ha, halos lahat ng mga babae at effem na suki natin dito sa coffee shop, nagkakape dito para lang magpacute sayo. Tapos di ko na rin mabilang yung mga napapansin kong lalaking customers na malagkit ang titig sayo."

"Nag-iimagine ka nanaman."

"Hindi gaga. Yung mga babae at baklush syempre kaagad mapapansin ko, malakas radar ko sa mga pabebeng haliparot e. Sa mga lalaki naman, jusko nag-try akong magpacute kasi naman sobrang gu-gwapo kaso lahat sila parang na-nununo pag nakikita ka."

"So pabebeng haliparot ka din?"

"Gaga! So ayun na nga friend, matuto ka lang tumingin-tingin sa paligid, maraming chopopo, di lang yang prince charming mong si sir Lucas."

My Stubborn PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon