KEITH
"Len i-serve mo na 'tong dalawang latte dun sa table 3." Utos ko kay Allen.
Sunday ngayon kaya madaming customers kahit pasado alas-syete pa lang ng umaga. Ako na nagtake-over sa espresso machine. Saming tatlo kasi nina Mae at Allen, ako yung pinaka efficient na barista, kaya matic na ako ang totoka sa pag-gawa ng kape kapag ganitong maraming tao.
It's been a couple weeks na din pala since pumuntang Cebu si Lucas. Namimiss ko pa rin sya, and it still hurts me thinking about our conversation regarding his plan to propose to Jane, but I chose to accept the truth and try to move. I still cry myself to sleep every night thinking about him, but they say you have to embrace and feel the pain 'til it hurts no more. Lucas and I can never happen, and I can't go on loving him secretly forever. I know I have to get over my feelings for him, for our friendship, but more so for myself.
"Okay boss." Si Allen at umalis na ito para i-serve yung kape.
"Friend isang flat white daw para dun sa bago mong prince charming." Sabat ni Mae. Sabay turo dun sa isang maliit na coffee table sa sulok. At hayun nga nandoroon ang isang namumuong mahanging bagyo. May pakindat-kindat pa, sarap tusukin ng tinidor ang mata.
"Bayad muna kamo." Sagot ko, sabay irap sa unggoy.
"Wag ka ngang pabebe friend. Gagawan mo rin naman." Si Mae.
"Oo na. Heto na gagawin ko na."
"Pansin ko friend parang nagiging mas close kayong dalawa lately." Sabi ni Mae out of nowhere.
"Nino?" I said as if I don't know who's she referring to.
"Si papa Matthew malamang." Sabi nya matter of factly.
"Okay naman talaga kami, minus the fact na bwisit sya sa buhay ko, but since medyo hindi na sya gaanong nag-eeffort para sirain ang araw ko, mas okay kami." Ako.
"Hindi e. I mean parang nanliligaw sya sayo. Ihhh kabogera talaga tong friend ko." Nababaliw nanaman ang babaeng korteng ref.
"Gaga. Kung anu-ano nai-imagine mo. Magpa-tawas ka kaya, baka namatanda ka." Banat ko.
"Alam mo friend, whether you admit it or not, I know na pansin mo din yun. How would you explain yung mga gestures nya? Una hindi na sya nagdadala ng babae dito. Lagi syang nagdadala ng lunch dito for you, na sa pagkaka-alam ko ay sya mismo ang nagluluto. And lastly madalas syang mag-insist na hintayin ka until magsara tayo para ihatid ka. O diba?" Pagre-reason out ng ref.
Actually pansin ko nga na mas relaxed na yung relationship namin ni Matthew. Di na kagaya nung dati na mabilis uminit ang ulo ko sa kanya, and I can say na magkaibigan na nga kami.
"Ang malisyosa mo talaga. Unang-una magkaibigan kami ng kapatid nya, so normal lang siguro na maging magkaibigan din kami. Pangalawa hindi ko sya type at mas straight pa yan sa ruler. At pangatlo alam mo naman na mahal ko pa rin si Lucas diba. Teka nga bakit ba ko nage-explain sayo? Magtrabaho ka na nga. O bigay mo na 'to dun sa unggoy." Rebutt ko.
"Sabagay may point ka nga naman, pero mas okay yung point ko friend e. So stick ako dun sa sa akin. I feel it na si papa Matthew na ang itinakda." Ang ref.
Luka-loka talaga 'tong babaeng 'to. Never in my wildest dream na magkakainteres ako kay Matthew. Kapatid sya ni Lucas for heaven's sake, and as I said kahit wala pa yung circumstance na yun, hindi ko sya matatype-an, which is true. He's too young for me, and as if interesado yung tao sakin. Yung mga nai-imagine ni Mae? Katulad nung palagiang pagdadala nya ng pagkain sa shop tuwing lunch na sya daw mismo ang nagluluto, ilang units na lang naman kasi ang tine-take nya kasi graduating na sya, tapos dun na din sya kakain. Infairness masarap syang magluto, sabi nya pambawi nya daw yun sa lahat ng pangga-gago nya sakin mula bata sya. Well I figured Matthew and I can be friends after all, and those things na ginagawa nya, I believe that is what friends do. Ganun naman yun diba? Ganun naman kami ni Lucas sa isa't-isa e.
BINABASA MO ANG
My Stubborn Prince
RomanceKeith is someone you could aspire to be. A co-owner of a successful coffee shop, an established freelance writer who earns handsome amount for his works, at gwapo...well more like cute. Everything's going perfectly fine with his life, except for a...