KEITH
Parang binibiyak sa sakit ang ulo ko. Pinagsisisihan ko na na nalasing ako kagabi. Ayoko pang bumangon. Shit kailangan ko palang pumunta ng maaga ngayon sa Bourbon's para ireview yung inventory checking na ginawa nina Mae kahapon.
Teka hindi ko kwarto 'to ah. Shit nasaan ba 'ko? Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Nag-iinom akong mag-isa sa isang bar, then may lumapit saking lalaki. Tapos niyaya nya kong sumama sa kanya. No way! Pumayag akong sumama sa lalaking yun.
"Shit! Ang tanga-tanga ko." I blurted.
Biglang may gumalaw sa tabi ko.
"Fuck! Ang ingay-ingay mo naman. Kita mong natutulog yung tao o. Alam kong nang tanga ka, wag mo nang ipagsigawan." Nagsalita yung katabi ko. Na nakatalikod sakin.
Wait kilala ko yung boses na yun a. Puta si unggoy. Pero bakit kasama ko sya? At bakit katabi ko syang natulog? I remembered him na nandoon din sa bar kagabi, pero hindi sya yung lalaking kasama ko. Shit 'bat wala akong maalala?! Teka bakit iba na ang suot kong damit, tapos nakashorts lang ako? Don't tell me may nangyari samin ng unggoy na 'to. Double shit, it can't be!
"Hoy unggoy bumangon ka dyan? Nasaan ba tayo?" Taranta kong sabi.
"Can you just shut up. Puta naman gusto ko pang matulog." Inis nyang sabi.
"Bakit nandito ka? Tsaka bakit iba ang suot kong damit? Nag-ano ba tayo kagabi?" Alanganin kong tanong habang niyuyugyog ko sya.
Sa wakas bumangon din sya. Lukut-lukot pa ang mukha nya.
"Malamang nandito ako kasi apartment ko 'to, at walang nangyari sa 'tin, wag kang mag-inarte dyan na parang narape ka. Hindi ako pumapatol sa lalaki, tsaka kung papatol man ako, hindi sayo kasi hindi kita type." Inis na sabi nito.
"Eh bakit nandito ako?" Tanong ko.
"Eh pano lasing na lasing ka kagabi, and you're about to do something stupid. You were almost taken home by a perverted stranger. Ayaw ko lang na may nate-take advantage na lasing kaya inuwi na kita, besides kaibigan ka ng kuya ko, baka may masabi pa 'yun. Kaya lang tinamad nakong ihatid ka sa inyo, malayo e, tsaka di ka naman chicks. That explains why you are here." Mahabang paliwanag nya.
"Eh bakit iba na ang suot ko?"
"Eh pano nagsuka ka kagabi dahil sa kalasingan mo. Ala ngan namang patulugin kita sa kama ko na puro suka. Wag kang assuming, pili lang pinapatikiman ko ng katawan ko, di ka kasali dun." Puta ang hangin talaga. Pero medyo nahimasmasan na ko.
"Good, at wala akong balak tikman ang katawan mo, mas lalong di kita type." Sagot ko.
"Talaga lang ha? Para kasing takam na takam ka sa katawan ko. Kung mayakap ka kasi kagabi sakin parang gustung-gusto mong nararamdaman yung init ng katawan ko. Tapos sabi mo pa......."
"Stop!" Pagputol ko sa kanya. "You are just making things up. I will never do that. Sa iba siguro pwede pa, pero sayo? No chance." Depensa ko.
"Okay if that's what you want to believe, pero ako yung may mas matinong pag-iisip sa 'ting dalawa kagabi. I remember everything clearly." Di talaga ako mananalo sa gagong 'to.
"Bahala ka nga dyan." Pagsuko ko.
Tatawa-tawa pa ang loko.
BINABASA MO ANG
My Stubborn Prince
RomanceKeith is someone you could aspire to be. A co-owner of a successful coffee shop, an established freelance writer who earns handsome amount for his works, at gwapo...well more like cute. Everything's going perfectly fine with his life, except for a...