Bagot akong nakatutok sa harap ng telebisyon. Balita ang kasalukuyang palabas ngayon. Nasa tabi ko naman si Lola na suot ang antipara, seryoso ang mukha at abala sa pagko-cross stitch kahit gabi na, 'yan kasi ang libangan niya lalo na't retired teacher na siya.Ang totoo niyan ay gutom na ako. Gusto ko nang kumain. Pero nasa house rules kasi na kailangan ay kompleto na kami dito sa loob ng bahay bago kumain. At hanggang ngayon ay wala pa rin si ate Tata, ang nakakatanda kong kapatid. Ang paalam niya kasi kay Lola Lumen ay medyo malelate siya ng uwi dahil may praktis silang kanta. Oo nga pala, kasali sa choir si ate. Pagkatapos kasi ng klase, didiretso siya sa simbahan para kitain ang mga kapwa niya ding choir.
Naputol lang ang panonood ko nang napukaw ng aming atensyon na kusang nagbukas ang pinto. Tumambad sa akin si ate Tata na bagong dating. Tila naging masigla ako nang wala sa oras. Agad akong tumayo at nagmamadali akong daluhan siya.
"Ate!" bulalas ko nang nakalapit na ako sa kaniya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Hinaplos niya ang aking mahaba at itim na buhok. "Pasensya na, Velyn, nalate si ate. Marami kasing pasaway, hindi agad nakukuha ang eksaktong nota ng kanta kaya natagalan bago maperfect." paliwanag niya. "Alam kong gutom ka na. Sorry."
Tila nangislap ang mga mata ko. "Wala po 'yon, ate. Halika na, alam kong gutom ka na din." aya ko sa kaniya na nakasunod sa kaniya. Papunta kami kung nasaan si Lola Lumen.
"Mano po, Lola." magalang na sabi ni ate Tata kay Lola.
"Pagpalain ka ng Diyos, apo. Oh siya, kanina pa nakabusangot ang mukha ni bunso. Alam naman nating kumakalam na ang sikmura niya." natatawang sambit niya nang inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin.
Ngumisi ako sabay kamot sa aking batok. Uhm, hindi ko maitatanggi na ganoon na nga.
Tumayo na din si Lola Lumen at itinabi niya ang mga gamit niya sa pagko-cross stitch sa isang tabi para makapaghapunan na din. Mukhang tapos na din magluto si ate Jennifer, ang kasing edad lang ni ate Tata, ang kinuha nina mama at papa para mag-alaga kay Lola at sa akin.
Walong taon nang nasa ibang bansa sina mama at papa. Dahil wala kaming kamag-anakan sa Maynila ay napagpasyahan nila na tumira kami ni ate Tata dito sa Probinsiya ng Ilo-ilo. Ilonggo kasi si Lola Lumen, ang nanay ni papa. At saka, mas gusto ni Lola na makasama kami lalo na't wala daw siyang magawa dito sa bahay, umaasa lang kasi siya sa pension niya buwan-buwan. Bukod sa amin magkakapatid, pinapaaral din nina mama at papa si ate Jennifer bilang bayad na din sa pagbabantay niya sa amin.
"Magkakaroon na pala ng bagong may-ari ang bahay na nasa tabi natin." nakangiting pagbabalita ni Lola habang nasa hapag. "Sa katunayn ay kanina lang sila lumipat d'yan."
"Talaga po?" hindi makapaniwalang bulalas nina ate Jennifer at ate Tata sa narinig na balita.
Ako naman ay abala sa pangunguya ng pagkain habang nakatingin lang sa kanila.
"Kaya pala mukhang nirerenovate ang bahay nitong mga nakaraang buwan pa." si ate Tata ang nagpatuloy.
"Ang sabi lang naman ng karpintero na napagtanungan ko, dating sundalo ang bumili ng bahay na ngayon ay isa sa mga kilalang negosyante. Nakakatawa lang dahil dito niya ipapatapon ang apat nitong anak. Hindi ko nga lang alam kung bakit. . ." pagkukwento ni Lola saka ipinagpatuloy ang kaniyang kinakain.
Nang matapos na akong kumain ay napagpasyahan ko nang umakyat patungo sa kuwarto. Hindi agad ako sumampang sa aking kama. Imbis ay binuksan ko ang aking back pack at inilabas ang aking libro. Sasagutan ko muna ang assignments na ibinigay sa amin ng teacher. Ayoko naman maging kulelat sa klase kung nagkataon man.
Patapos na ako sa aking takdang-aralin ay matalon naman ako sa kinauupuan ko nang biglang may sumigaw ng kanta!
"Sayang na sayang talagaaaaaa! Dating pag-ibig na alay sa iyoooooooo! Sayang na sayang talagaaaaa! Pagmamahalan na di ko makakamtan sa iyoooooooo—"
BINABASA MO ANG
A Wave Of Nostalgia | On Going | R18+
RomanceHOT & NASTY NIGHT SERIES 15 : #SYNOPSIS : Habang nagdadalaga ay napagtanto ni Jovelyn na nahuhulog na siya sa kaniyang kababata na si Killian Ho. Ang problema nga lang, hindi sila talo. Bakit nga ba? Papaano kasi, hindi ang tulad niya ang hanap n...