Hindi ko maitago ang sakit na aking nararamdaman habang binabanat ni Killian ang aking buhok. Naririto kami ngayon sa classroom at abala siyang ayusin ang aking buhok. Gusto ko nang sumigaw, hindi ko naman magawa dahil pakiramdam ko ay hinihiwa ang aking anit sa pinangagagawa niya! Kung kaya ko lang, kanina ko pa masasapak ang isang 'to.Bakit kasi kailangan kong danasin ang mga ito? Bakit kasi ako pa ang pinili na isasali sa Miss Intramurals na 'yan eh ni pagrampa pa nga lang ay hindi ako marunong? Hindi rin ako sanay na magsuot ng matataas na heels!
"Huwag ka ngang malikot, inday!" saway niya sa akin na akala mo pati siya ay hirap na hirap din sa kaniyang ginagawa. "Dapat maganda ka, ayokong maging kulelat ka kapag kaharap mo na ang mga kalaban mo sa stage!"
Napangiwi ako. "Pwede pa naman umatras, hindi ba?"
"Syempre, hindi. Bakit ka aatras, aber? Saglit lang naman ang pagrampa mo sa stage, ano. At saka, papunta na din sina Lola Lumen, ate Tata at ate Jennifer dito. Minsan ka lang makasali sa mga ganito, huwag mong sayangin." hanggang sa natapos na niyang ituwid ang buhok ko. Sumulpot na siya sa harap ko. He looked me straight into my eyes. "Make up naman. Tapos, sasamahan na kitang magbihis." inilabas niya ang kaniyang make up kita at sinimulan na niya akong pahiran ng kung anu-anong kolorete sa mukha.
Marahan akong pumikit. Wala naman akong choice. Sagot niya ang make up, sa buhok at sa susuotin ko. Siya din ang nagtrain sa akin kung papano rumampa, ang tamang hawak ko sa aking bewang, kung papaano ngumiti sa harap ng maraming tao. Pinupush pa nga niya ako na sumali sa dadating na Beauty Pageant dito sa School. Hindi ko alam sa isang ito kung bakit palagi niya ako isinasali sa mga ganyan eh wala naman akong confidence. Isa lang akong simpleng mag-aaral! Ang gusto ko lang ay tahimik akong nag-aaral, hindi para maging sikat o ano. Pero sadyang natural na kay Killian ang pageant. Minsan kasi siya ang sumasali kapag may time. Ngayong may paparating din na gay pageant sa Barangay dahil magpipiyesta na, hindi na ako magtataka kung sasali din siya doon.
"Pupunta din dito sina ate Yannis, ate Sacha at kuya Raeburn dito. Manonood din sila." dagdag pa niya.
"Mas lalo ako kinakabahan, Killian." bulong ko pa.
"Kaloka ka, ha. Huwag ka ngang mahiya. Kilala ka nila, syempre supportive sila pagdating sa iyo. Dapat nga mas lalo ka pa mamotivate." aniya saka dumapo ang hawak niyang brush sa aking mukha.
Ilang saglit pa ay natapos na siya sa magmemake up niya sa akin. Nang abutan niya ako ng salamin para tingnan ang sarili ko doon ay halos hindi ko na makilala ang sarili. Ibang tao na ang nakikita ko! Wavy kasi ang buhok ko, ngayon, tuwid na tuwid na na daig ko pang nagparebond. Nang ibinalik ko na sa kaniya ang salamin ay inaya niya ako na magbihis na dahil ilang saglit nalang ay mag-uumpisa na ang Mr. And Ms. Intramural.
"Wow, ang ganda naman ni Velyn." rinig ko ang papuri ni Stedd na papalapit siya sa amin. Siya ang partner ko mamaya kapag rumampa na.
"Syempre, ako lang ang nakakapaglabas ng ganda niya!" bulalas ni Killian na malapad ang ngiti. Naku, mukhang alam ko na ang ibig sabihin ng ngiti niyang 'yan. Bet na bet kasi ni Killian si Stedd noong lumipat siya dito sa Santa Maria. Lalo na't naging kaklase pa namin siya.
"Ang galing mo pala, Killian." nakangiting puri sa kaniya nito.
Akala mo mahaba ang buhok ni Killian kaya kungwari isinabit niya ang kaniyang buhok sa kaniyang tainga kahit boy cut ang buhok niya. "Thank youuu!" kinikilig ang bakla. Jusme. Bumaling siya sa akin. "Siya, Inday! Kailangan mo nang makapagbihis." sabay itnutulak-tulak pa niya ako palabas ng classroom.
**
Buhat nang lumipat sina Killian at ang mga kapatid niya sa lugar namin. Hindi ko maitago ang saya na meron na akong kaibigan. Ang totoo kasi niyan, wala akong ganang lumabas o hindi kaya makipaglaro sa mga bata sa amin. Mas gugustuhin ko kasing nasa loob lang ako ng bahay at manonood ng tv. Pakiramdam ko kasi, iba ako sa mag batang nasa amin. Feeling ko, magiging OP lang ako kapag kasama ko sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/199593363-288-k167827.jpg)
BINABASA MO ANG
A Wave Of Nostalgia | On Going | R18+
RomanceHOT & NASTY NIGHT SERIES 15 : #SYNOPSIS : Habang nagdadalaga ay napagtanto ni Jovelyn na nahuhulog na siya sa kaniyang kababata na si Killian Ho. Ang problema nga lang, hindi sila talo. Bakit nga ba? Papaano kasi, hindi ang tulad niya ang hanap n...