Chapter 6

795 32 1
                                    

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa inis. Hindi rin naman nakatagal dito si Killian dahil ako na mismo ang nagtaboy sa kaniya na umalis dito sa kuwarto ko.

Gusto ko iparamdam sa kaniya na hindi na kami tulad ng dati na magagawa niya akong lapitan nang basta-basta dahil sa umpisa ay siya na mismo ang lumayo sa akin. Siya ang gumawa ng paraan para maputol ang relasyon ko sa kaniya. Sa puntong ito ay pinagbigyan ko lang siya. Kaya ngayong nagkrus na naman ang mga landas namin, hinding hindi na ako si Jovelyn na nagmamahal sa kaniya. Kaya nga lumayo ako noon, para gamutin ang sarili ko at makalimutan ko nang tuluyan kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya na sabihin nating nasabi ko sa kaniya na minahal ko siya. Hanggang doon nalang 'yon.

Bumalik lang ako para kina Lola, ate Tata at ate Jennifer. Hindi para sa kaniya. Manigas siya d'yan!

Dumilat ako saka bumangon. Sinilip ko ang aking cellphone para malaman kung anong oras na. Maglalunch na. Now I'm wondering if they're already got home? Ang sabi kasi sa akin ni kuya Raeburn ay pumunta sila ng simbahan. Talagang hindi nawawala sa kanila ang tradisyon na 'yon, ang magsimba tuwing linggo para magpasalamat. Lihim ako napangiti.

Nawala lang 'yon nang may narinig ako na nagbukas ang pinto at may naririnig ako na iilang pamilyar na boses. Muling umukit ang ngiti sa aking mga labi. Umalis ako sa ibabaw ng kama para magbihis ng damit dahil naka-under garments pa ako. Isang simpleng tshirt at high-waist shorts ang isinuot ko. Hinayaan ko lang na nakayapak lang ako. Nagmamadali akong lumabas mula sa aking silid at bumaba ng hagdan. Nadatnan ko sina Lola Lumen at ate Tata na kakarating lang, gayundin si ate Jennifer na dala niya ang mga pinamili nila mula sa bayan.

Maingat akong bumaba para hindi nila ako matunungan. Nang nasa likuran na nila ako ay tumayo ako ng maayos. I extend my arms. "I'm back! Surprise!" malakas kong sabi sa kanila.

Sabay silang napalingon sa direksyon ko. Pareho silang gulat na gulat nang makita ako. Si ate Tata ay nanlalaki ang mga mata, si Lola Lumen naman ay napasapo sa kaniyang dibdib, si ate Jennifer naman ay laglag ang panga. Ginawaran ko sila ng mapaglarong ngiti.

"Bunsoooo!" tawag nila sa akin sabay yakap sa akin. Ginantihan ko 'yon, nang mas mahigpit pa. "Kailan ka pa dumating?! Ang daya mo, hindi ka nagpasundo sa amin!" saka kumalas siya mula sa pagkayakap niya sa akin.

"Hindi na surprise kapag sinabi ko sa inyo na dadating ako." bumungisngis ako. "Ibibigay ko nga pala ang mga pasalubong ko para sa inyo—"

Bigla ako hinawakan ni Lola sa isang balikat. "Mamaya na ang pasalubong mo, apo. Ang mabuti pa ay magpahinga ka muna. Masyadong mahaba ang byahe mo. Dapat ay may sapat kang pahinga. Magkakapag-antay pa naman 'yan. Sa ngayon ay magluluto kami para pagkagising mo ay kakain ka nalang. At doon ay magkukwentuhan tayo."

Matamis akong ngumiti saka tumango bilang pagsang-ayon sa suhesyon ni Lola Lumen.

**

Nagising nalang ako na may nararamdaman akong presesnya sa gilid ko. Parang may gumagalaw sa gilid ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Kahit malabo pa ay naaninag ko ang bulto ng isang lalaki na tila nakatingin mula sa study table ko. Nang napagtanto ko kung sino 'yon ay kusang nanlaki ang mga mata ko! Mabilis akong bumangon at nakuha ko ang kaniyang atensyon.

"W-what are you doing here?!" malakas kong tanong sa kaniya. Halata nga sa akin na gulat na gulat ako.

Kaswal siyang nakatingin sa akin. He's wearing a v-neck gray shirt, and a faded skyblue jeans. "Ininvite ako ng ate Tata mo na pumunta dito dahil nakauwi ka na daw. Pinadiretso niya ako dito sa kuwarto mo para gisingin daw kita. . ." saka ngumiti siya ng nakakaloko saka ibinalik niya ang kaniyang tingin sa study table ko. "Nasaan na ang mga picture nating noong grade ten tayo? Hindi ko na makita." tanong niya.

A Wave Of Nostalgia | On Going | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon