Chapter 7

820 29 5
                                    


Pinalagpas ko ang kabalbalan na ginawa niya kagabi sa akin. Kahit ang totoo niyan ay hindi ko kinaya ang rebelasyon na magagawa niya ang bagay na 'yon. Pero bakit ganoon? Bakit parang wala lang sa akin kung magagawa niya 'yon? Dahil ba sa kilala ko na siya? Dahil ba sa kilala niya ako? Dahil ba minahal ko siya noon? O baka magpapakatnga na naman ba ako?

Pinag-aralan ko ang sarili ko sa harap ng full-length mirror na dito sa kuwarto ko. I'm wearing a simple white long sleeves polo na itinupi ko pa hanggang sa aking mga siko, navy blue skinny jeans and a pair of flat sandals. Nakalugay din ang aking buhok. Nagpaalam din naman ako sa mga kasama ko dito sa bahay na aalis kami ni Killian gawa nang bibisitahin ko ang tinutukoy niyang resto. Gusto niyang ipasuri sa akin ang mga red and white white na ipapatikim niya sa akin, syempre ay produkto 'yon ng kaniyang negosyo. Nang kuntento na ako sa ayos ko ay nilapitan ko ang cream color leather sling bag ko na nakapatong lang sa kama pagkatapos ay lumabas na ako sa silid.

Bumungad sa akin na tila may nag-uusap sa ibaba. Palakas 'yon nang palakas hanggang sa nakatapak na ako sa unang palapag ng bahay. Naabutan ko si Killian na masayang nakikipagwentuhan kina Lola Lumen at ate Tata. Hindi ko sila agad nilapitan dahil may gusto akong malaman—kung lalaki na ba talaga siya. Inobserbahan ko siya mula sa paraan ng kaniyang pananalita at kilos. Tumalikwas ang isang kilay ko—lalaking lalaki na nga talaga siya. Nasanay na kasi ako noon na sa tuwing kausap niya ang pamilya ko ay matinis ang kaniyang boses. May pilantik pa ang mga daliri niya. Mas maarte pa siyang kumilos kaysa sa akin. Pero ngayon, ibang-iba na siya. Wala nang bahid na Killian na bading noon.

Ang Killian na nasa harap ko ngayon, he's wearing a simpleng long sleeves polo shirt, a parts of slacks pants, and a pair of leather shoes. Suot din niya ang kulay pilak na relo na nasa palapulsuhan. Maayos din ang pagkaayos sa kaniyang buhok, kahit medyo wavy pa 'yon.

Ano bang nangyari sa kaniya sa loob ng walong taon at nagawa niyang magbago sa harap ko? Bakit mas naging malalim ang boses niya? Bakit ang tigas na ng kaniyang galaw? Ano bang nag-udyok sa kaniya para gawin ito at nagbago ng tuluyan?

"Oh, nariyan na pala si Jovelyn." biglang puna sa akin ni ate Tata. Sumunod na din ng tingin sina Lola at Killian sa direksyon ko.

Tumikhim ako at inayos ko ang pagkasabit sa aking bag. Tumayo din ako ng tuwid saka lumapit na sa kanila. Mula sa kinuupuan ay tumayo si Killian para salubungin ako. Hindi ko lang maitindihan kung bakit malapad ang kaniyang ngisi. Pinipigilan ko siyang masuntok dahil mukhang nakukuha ko na kung para saan ba ang ngiti niyang 'yon.

"Pangga. . ." tawag niya sa akin na may halong panlalambing.

Rinig ko ang pang-aasar ni ate Tata sa isang tabi, si Lola naman ay natatawa. Mabuti nalang din ay wala si ate Jennifer dito dahil tiyak gagatungan pa niya kung anong eksena dito.

Taas-noo ko siyang tiningnan. Ginawaran ko siya ng seryosong tingin. "Sinabihan na kita, Killian, huwag mo na akong tawagin ng ganyan dahil hindi nakakatuwa."

"Gití mo, Jovelyn! Kungwari ka pa, sa loob-loob mo syempre, kilig na kilig ka. Huwag kami, 'day!" biglang bulalas ni ate Tata.

Bumaling ako sa kaniya na nanlalaki ang mga mata, nakikiusap na tumigil na siya dahil trabaho ang dahilan kung bakit aalis kami ni Killian, hindi para lumandí! Matagal ko nang ibinaon sa lupa kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya. Halos isumpa ko na nga ang sarili ko buhat nang gabing 'yon. Tingin ko naman sa sarili ko ay tapos na ang lahat nang umalis na ako. Hinding hindi ko na babalikan kung ano ang nakaraan. I just need to focus forward, especially on my career.

"Aalis na po kami." magalang na paalam ni Killian sa kanila.

"Oh sige, mag-iingat kayo." nakangiting paalala ni Lola Lumen habang si ate naman ay malapad ang ngiti habang kumakaway sa amin habang papalabas na kami ng bahay.

A Wave Of Nostalgia | On Going | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon