Kabanata 1

159 3 0
                                    

June 04, 2006

Tuluyang magbabago ang ihip ng hangin sa aking buhay bukas. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman. Naghuhuramentado ang aking puso sa tuwing naiisip kong magse-Senior High na ako..

Gusto kong puntahan sina Mich upang matiyak na tama itong mga gamit na nabili ko para sa pasukan. Kaso, mahilig silang gumala ni Dien na tila ba wala silang pakialam sa mangyayari bukas.

Or is it just me?

Ako lang ata ang ginagawang big deal ang Senior High..

What's with Senior High by the way? Tiyak akong Junior High pa'rin naman siguro ito. Siguro may mga bagong subjects lang. But the rest, I mean the grading systems and such are still the same.

I belong to a middle-class society. My mother, Sophia Sevilla, is a Barangay Chairman of Lagao. My father, Michael Sevilla, is a trusted contractor of our community. I don't have any sibling kung kaya siguro ay nasubaybayan ng maayos ng aking mga magulang ang aking paglaki.

Hindi kalakihan ang aming bahay. It was a well-concrete house.. may garrage sa labas, may steel gate, we have a pick-up for vehicle.. and aside from that, wala na.

I don't dream for success but I'm striving to be better day by day. Kuntento na ako sa buhay na meron ako. I have friends, I have a family.. They're all that matter.

I usually top the class. I moved up as the class Valedictorian of our batch. I studied my Kindergarten to Junior High School at Ramon Magsaysay Memorial Colleges. And yes, diyaan 'din ako magse-Senior High at magka-College.

Our school is semi-private. Hindi man kami mayaman ay pinagsisikapan ng pamilya 'kong makapagtapos ako sa isang magandang paaralan.  Honestly, hindi ko talaga alam kung bakit ako nangunguna sa klase. Hindi iba ang methods ng pag-aaral ko sa ibang mga estudyante. I wonder what's with me that I can beat them all?

Kaya siguro ako kinakabahan ngayon ay dahil kahit panibagong mundo na naman ang tatahakin ko, may mga tao pa 'ring magpapatuloy sa paniniwalang mangunguna ako.

I never wanted a fight, nor to compete with other students.. But then I always end up striving not to do any mistake because they see me as a robot and not a person.

Alam mo iyong feeling na inaaasahan nilang nasa taas ka palagi? Kasi isang katangahan mo lang, pipintasan ka na kaagad.

Kesyo nagpabaya.. Kesyo nagbulakbol. And I don't want to ruin my Mother's reputation. Though my parents are not really perfectionists. They never pressured me to be on top. It was the society who made me this way.

June 05, 2006

"Dyanarah, malelate ka na. Mag-asikaso ka na," banayad na sambit ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.

With my eyes half-opened, I turned the study lamp off. Kaunting silip pa lamang sa bintana ay napadali ako sa pagbangon. Tirik na tirik na ang araw!

Wala sa huwisyo kong dinampot ang tuwalya at tumungo sa CR. Dire-diretso ako sa pagshower nang makalimutang i-neutralize ang temperatura nito.

"Oh my God!" tanging sambit ko sa sobrang lamig.

Binilisan ko pang lalo ang pagsabon sa katawan saka ang buhok. Nang makapasok ako sa aking kwarto ay bumulaga na ang nakahilerang uniform.

"I knew you'd panic. Here.." si Mama habang inayos pang muli ang aking mga susuotin at kumindat. Uminit ang aking mga pisngi sa kahihiyan.

"Bilisan mo at nang masabayan mo pa ang Papa mo sa pagkain.." muli niyang pagsasalita at tumulak na palabas ng kwarto.

After You (Rewriting Fate Series #1)Where stories live. Discover now