"Matulog ka na, it's getting late.." bakas sa mga mata ni Shaun ang pagod at antok. Gusto ko mang mangulit dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar ay pinili kong manahimik na lamang. There will sure be a lot of times to discuss other things.. it isn't just one of those times.
I nodded and headed myself inside the room. The light was switched off by Shaun the moment I lied down the bed.
He flashed a smile before closing the door and that was how I ended my memory on that day.
Kinabukasan ay naalimpungatan ako ng gising. Napakalamig ng aircon kaya pinahinaan ko na. Hindi ako lumaki sa aircon at noong nagkamulat ako sa ospital ay nasanay na 'rin naman kalaunan, but I always told the nurse to keep it low, more like neutral.
I decided to go to the kitchen to drink some water. Nang dungawin ko ang wall clock ay doon ko napagtantong alas cincó na pala. I immediately went to Shaun's room to wake him up.
Nakailang katok na ako pero walang sumasagot.
"Nasa labas si Señorito, nagjojogging siya ng alas quatro ng madaling araw, at bumabalik ng alas cinco para mag asikaso ng almusal.. May kailangan ka?" dire-diretso ang tingin ng kasambahay sa akin. Maayos na nakatali ang kanyang buhok at nakapambahay ang suot nito.
Nakakatakot ang kanyang tono. She's too formal..
"A-ah, ganoon po ba.. Akala ko po kasi kailangan pa siyang gisingin.." pinagkaabalahan kong laruin ang mga daliri.
I can't look at her in the eyes. Just a thought of doing it bothers me too much.
"S-sige po.. Babalik na ako sa kwarto,"
"Naintindihan mo ba ang sinabi ko?" sandali akong natigilan sa paglalakad. She looked smoky angry this time. Her jaws are clenched while looking at me.
"P-po?" umakyat pataas lahat ng dugo ko sa katawan. Napakainit ng pisngi ko at pinagpawisan ako bigla. This situation is freaking me the hell out!
"Inaasahan mo bang... ako ang maghahanda ng almusal niya?" dahan-dahan siyang naglakad papunta sa gawi ko. Hindi niya pinuputol ang titigan naming dalawa. Lisik na lisik ang mata na parang isa akong kriminal sa mga paningin niya.
Apart from that, I don't get her point.
Does that mean.."Hindi ka pumarito para maging palamon lang.. Matuto kang lumugar. Kung inaasahan mong tratratuhin kitang bisita matapos mong pahirapan ang anak ni Madame Mildred, nagkakamali ka!" mabibilis ang sumunod na paghinga niya. Kitang kita ko ang higpit ng pangunguyom ng kanyang mga kamao. Base sa naiintindihan ko sa kanyang mga sinasabi ngayon, she looks like someone who wants to protect her employer's son.. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ako ang sinisisi sa lahat ng 'to kung sa simula't sapul palang eh hindi ko naman hinahabol si Shaun?
"Sandali lang naman po.. Hindi ko kailanman inabala si Shaun--"
Isang malakas na sampal ang iginawad sa akin ng matanda. Hindi naman gaanong malakas ngunit ramdam ko ang hapdi ng sampal na binigay niya. I can't believe I'm being treated this way! What made her think I was abusing Shaun?
"Huwag na huwag kang magdadahilan! Hindi ko pinalaki ang batang iyon para lang magmukhang tanga sa isang katulad mong anak ng kurakot at baliw-"
"Teka lang naman po, sumosobra na ho kayo! 'Yung lalait-laitin niyo ako ay tanggap ko pa eh.. Pero ang ganito? Na dadamayin niyo ang mga magulang ko? Hindi po totoo iyan-"
"At sa tingin mo hindi ako nagsasabi ng totoo? Hah! Pineperahan mo ang amo ko!" I just can't take it.. Sa ngayon ay hindi ko matimbang kung alin ang mas masakit, 'yung sasabihing kurakot ang mga magulang ko, o ang pineperahan ko si Shaun.
YOU ARE READING
After You (Rewriting Fate Series #1)
Romance"I'd rather chase chaos than let chaos chase me."- Loise Dyanarah Sevilla