Kabanata 5

67 3 0
                                    

"Why aren't you saying anything?" nanatili ang mga mata ko sa malayong direksyon. Hindi ko kayang tingnan si Shaun.

"Okay na ako.. I have to go back to class-"

"May meeting sa SSG mamaya. Magsisimula na ang trabaho, Loise. Why so stubborn?" parang kumukulong mantika ang dugo ko't 'di ko kayang tanggapin ang mga pinagsasabi niya.

"Why do you care?" bakas sa mga mata niya ang pagkagulat. Parang hindi niya inaasahang mababanas ako. Mabibigat na paghinga lamang ang pinakawalan niya.

Hindi mawala ang mga mata niya sa akin. Namumula ito na parang may kung anong dumapo na nagpasimuno ng iritasyon.

"You're so good at pretending.. beautiful liar," namamaos niyang tugon. I can't believe what I just heard.

Was he aware of my feelings? Does he know?

"I don't know what you're talking about.." I grabbed the mineral water on the table. Nauuhaw ako sa ganitong sitwasyon.

I want to squeeze the bottle to it's thinnest, gusto kong ubusin lahat ng tubig.

"Why are you doing this, Loise?" he's talking with prints of authority. He sounds like he met me for years already.

"Can I go back? Please, Shaun. I have to attend to my classes," his jaw clenched. Unti-unting pumungay ang mga matang may bahid ng pagdududa kani-kanina lamang.

"I'll bring you there.." I guess that's just who he is. He's gentle, and romantic. Not to me, but to all people he probably cares about.

Naging center of attraction kami ni Shaun habang naglalakad sa hallway. He brought my things with him. Nasa likod niya lamang ako. He leads the way and watches me from time to time. Para akong bantay-sarado sa mga titig niya.

Pagkadating sa classroom ay inusisa kaagad ako ng nag-aalalang sina Khae at Michelle na nag-aabang sa pinto. Although they weren't really curious about what happened, I guess. They're more curious of my chaperone.

Napatingin si Michelle kay Shaun mula ulo hanggang paa. Dire-diretso lamang si Shaun sa paglalakad ngunit nang napansin niyang tumigil ako sa harap ng dalawa ay tumigil 'rin siya.

Wala akong makapang sagot sa mga itatanong ng dalawang 'to panigurado.

"What happened?" ani Khae nang hindi bumabaling kay Shaun.

I signaled him to leave my things beside the front door, but he never listened.

Michelle raised her eyebrows to me and to Shaun. I broke my laughter when I realise what she meant.

"Shaun.. This is Michelle and Mary Khae. They're my--"

"Childhood friends, right?" pagpuputol ni Shaun sa akin. Hindi ko inaasahan iyon. Was it too obvious?

"Uhm, yep.." hindi na 'ko nagtanong kung bakit alam niya. Maybe he's just too lucky to guess it right.

"And Khae, Michelle.. This is Shaun.." hindi ko na binalingan si Shaun sa tabi ko. Nangingiting-aso siya. He loves the attention so much! Gosh.

"Hello, ladies." tumikhim lamang si Khae kay Shaun at nagfocus na naman sa akin. Pero may halatang pangungurot sa kanyang pagkakahawak sa akin braso. Here goes her curiosities again.

"Ipapasok ko na 'to sa loob. I'll fetch you later," he didn't even wait for my response nor approval. Pumasok nga siya sa silid at inilapag ang mga gamit ko sa aking upuan.

Nakita ko ang biglang pagbago ng ekspresyon sa mukha nina Shane at Reyna. Para silang namumulang kamatis na dinidiin ang sarili sa upuan.

"Is he your boyfriend?!" si Khae.

After You (Rewriting Fate Series #1)Where stories live. Discover now