I woke up with Shaun lying beside me. His arm became my pillow and half of his body isn't on the bed..
He probably didn't sleep well last night.
I was able to watch his full features and realized how perfect he is.. I can't imagine I got the chance to stare at him this long.. And this close.
Unti-unti siyang gumalaw at ang isang mata ay bumukas na. He saw me and then he smiled.
Ano kaya ang nangyari noong limang taon na tulog ako? May girlfriend na ba siya? Anong course niya? Sina Reyna at Shane, magkaklase pa 'rin kaya? Sina Michelle, Dien at Khae.. Magkakasama pa 'rin kaya umuwi?
Sina Mama at Papa, salitan ba silang pumupunta dito? It is the only way, though.. Kung sabay naman sila ay walang matitirang magbabantay sa bahay..
Pilit kong inaalala ang puno't-dulo ng aking pagkakakulong dito..
"Stanley.." tanging nasambit ko.
"Hmm?" hindi ko namalayang nakatitig pala sa akin si Shaun ngayon.
It's weird staring at him while we're this close.
Bahagya akong tumikhim at doon niya na lamang napagtantong kailangan niyang dumistansya.
Kusa siyang umusog at maingat na ibinalik ang aking ulo sa unan. Most of my body parts are still not in function. Ang iilang parte ay nagagalaw ko naman.. Pero hindi ko pa naiaangat.
"The therapist will be here anytime by now.. To regulate your muscles," he seems worried seeing me in this situation.
"Si Stanley.." I saw how his jaw clenched.. unti-unting kinuyom ang kamao at bumaling sa akin.
"He went out of the country, Loise.." hindi nagtagal ang kanyang mga mata sa akin. Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit.
"Uuwi muna ako. I have class at 9 AM.. Babalik ako 'rito pagkatapos," he smiled as he left the room.
Ang bigat ng pakiramdam ko..
Again, I looked at the ceiling.
How was the world five years ago?
"Ang daya.."
Ang daya ng tadhana.
"Strengthen your legs, and then stand firm.." kahit pa nakakapit ako sa rails ay hirap akong tumayo. I can feel my bones stretching with its joints. Batak na batak ang pawis ko.
Paano ako umabot sa puntong pinaghihirapan kong mabuti ang pagtayo sa sariling mga paa?
"Damn it!" I sighed out of frustration.
"You can do it, one more try.." walang ganang saad ng therapist at halos pakaladkad akong itinayo.
"Oh my God!" nag-aalab sa galit ang puso ko. Kung nasi-stress siya sa pagbabantay sa akin, edi umalis siya! Hindi ko kailangan ng tulong niya!
Hindi ko tinanggap ang kanyang kamay pabalik matapos ko itong tapikin. Hindi siya makapaniwalang sa panahon na ito.. Kahit ako ang nangangailangan ay ako pa itong nagmamatigas.
I will never beg a help from someone.
Pilit niyang inaabot ang aking kamay ngunit sadya ko itong itinatago.
Sige, magmatigasan tayo dito.
Ang bilis ng pangyayari at nawalan ako ng balanse. Naupo ako sa sahig at natupi ang aking mga tuhod.
I saw the therapist smirk.. May bahid ng panunuya ang kanyang mga titig.
"Napakatigas kasi ng ulo.. Buti nga sayo," hindi ko alam kung dapat ko bang isawalang-bahala iyon.
YOU ARE READING
After You (Rewriting Fate Series #1)
Romance"I'd rather chase chaos than let chaos chase me."- Loise Dyanarah Sevilla