'Reinne'
.....................
"Good Morning! Ms Chloe Lim!!"
Maaga pa lang nagising na ako at eto kinukukit ang tent mate ko. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang tenga at ginulat!
"Montejon! ano ba naman yan! matulog ka nga muna ang aga aga e nang aasar ka!"
Hindi ko siya pinakinggan. Tumawa ako at hinila ang blanket niya sabay takbo.
"Montejon!!! Ur such a brat!!"
Narinig kong sigaw ni Chloe pero di ko na siya pinansin. haha!
...
Tatawa tawa parin ako habang naglalakad. Hindi pa sumisikat ang araw kaya medyo madilim pa.
It's a great morning and it feels good kahit na hindi ko pa Alan kung paano lapitan ulit so Maegan dahil sa nagawa ko kagabi.
Medyo malayo layo narin ang nalalakad ko ng may nakita akong dalawang matanda sa malayo, napapangiti ako, nilapitan ko ang mga ito.
"Goodmorning po! Lolo, lola ano po yan?" tanong ko.
"Ay hello ineng magandang umaga din sayo. Ito ba? ito ay palay itatanim namin dito sa bukid."
Saglit akong natigil at unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko.
"Lola tulungan ko na po kayo!"
"Naku apo wag na!"
"Sige na po lola. Promise magaling ako jan." nagsmile ako na parang bata
Tumango tango si lola. yes! Agad agad kong tinanggal ang sapatos ko at ipinusod ang mahaba kong buhok. Itinupi ko rin ang jogging pants ko hanggang tuhod gaya kay lola at lumusong na sa putik.
"Lola! akin na po yan. pano po ba."
Idinemonstrate ni lola ang tamang pagtanim ng palay. Madali lang naman pala.
"O sige lola! Game na!"
Masayang tumango si lola at nakangiti naman si lolo.
"Lola tataniman lahat natin lahat to?" tanong ko habang nagtatanim, nakakaawa naman kasi ang tatanda na nila nagtatrabaho dapat nakaupo na lang sila ngayon at nagpapahinga.
"Oo apo. Bago sumikat ang mahal na araw dapat matamnan na natin lahat para hindi mainit."
"Yakang yaka yan lola! o di ba lolo! bilisan na po natin para matapos agad" masiglang sabi ko na lang.
Masaya akong nagtatanim. It's my first time kahit medyo masakit sa bewang nag eenjoy ako.
Ganito pala ang magtanim hindi biro.
...
Dalawang oras na ang lumipas medyo sumisikat na rin ang araw pero malapit na naming matapos ang pagtatanim.
"Lolo! Lola! kaya niyo pa??!!" sigaw ko sa mga ito mga 4 na dipa kasi ang layo namin sa isa't isa. Pagod na ang dalawang matanta pero sige parin sila.
"Oo apo!!" sigaw naman nila.
...
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos din namin ito.
"Lolo! Lola! Tapos na natin! wow! yes!"
I don't understand why pero ang saya ko. Pabagsak akong umupo sa damuhan at masaya masaya na pinagmasdan ang palayan.
...
..
'Maegan'
.....................
Madaling araw na pero gising na gising pa rin ako! Kasalanan to ni Reinne!
"sister..."
Bumulong si Ginger pero hindi ako gumalaw umungol lang ako. Ang aga pa gising na ang lokaret.
"Sister you need to see what I saw. Bumangon kana dyan I know gising na gising kana. "
Huh?? Ano kaya yun?! Problema?? Natataranta akong napabalikwas sa kama.
"What is it?? A... Anong nangyari!!??" hysterical kong tono.
"Chill! Halika sumunod ka sa akin!"
Kunot noong sumunod ako kay Ginger. Ang layo na ng nilalakad namin nangangawit na ang paa ko.
Dinala niya ako sa lilim ng isang puno at napatda ako sa nakikita ko.
Reinne?? Isang Masayang Montejon ang nagtatanim ng palay?!
"Kanina pa ako dito na nakaupo ng makita kong kinausap niya ang dalawang matanda at nag offer na tutulungan niya ang mga ito."
"Ilang oras na siya diyan...??"
"Almost 3hours na rin. Mabait din pala talaga siya sister noh?? No wonder why you love her."
Napangiti lang ako sa pagcomplement niya kay Reinne. Kaso! 3hours yun ah! Di manlang ako ginising,?!! baklang to!
Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos silang magtanim. Nagpaalam na kanina pa si Ginger pero heto pinagmamasdan ko pa rin siya.
Masayang masaya siyang nakaupo sa damuhan.
Gusto kong magalit sa ginawa niya kagabi pero parang may humahaplos sa puso ko.
Oo gusto kong mapalapit sa kanya para makapaghiganti pero iba na ang ibinubulong nitong puso ko.
And I know kung anu yun. Mahal ko parin siya.
Ang best buddy ko. Gosh!
...
Thanks for Reading!!
BINABASA MO ANG
Passion Of The Heart (girlxgirl)
RomanceTwo hearts, two minds, in time did find one love, one two paths the same. Hold fast. . . and love lasts.