Normidio
Sa bawat halakhakan
Ay nais ko kayong pasalamatan
Ngunit siguro nga ay hanggang dito na lang
Ang ating pagkakaibiganHindi inaasahang mabubuo
Ang isang grupo
Iba't ibang klase ng tao
Ngunit parang may mahika paring nagkakasundoLahat ng kalokohan
At paminsan-minsan ay kabobohan
Na nagsimula sa katangahan
Ay talaga namang aking hindi malilimutanAng hirap tanggapin
Na ang ilang taon ay ating babalewalain
Ngunit kung ito talaga ang inyong nanaiisin
Ang aking bibig ay akin nang patatahimikinAng tanging sasabihin
Ay salamat sa mga alaala
At ako'y humihingi ng paumanhin
Kung ako man ay sa inyo ay may nagawaMapait man ay hindi mabubura
Asahan niyong sa aking isip ay nakatala
Ang inyong bawat ngalan
At ito ay ni minsan di malilimutanMuli, maraming salamat
Sa lahat

BINABASA MO ANG
Latte, Notes, & You
PoetryCompilation of English and Tagalog Poems and Short Story || ON HIATUS