Jersey #20
"Kiara, tara na. Malalate na tayo sa Mapeh oh!" angal ng kaibigan kong si Lorrainne.
"Wait lang," sambit ko sa kanya at hindi tinatanggal ang tingin sa soccer player kong crush na si Number 20.
Actually, di ko talaga siya kilala, personally. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Basta ang alam ko lang ay ang jersey number niya, Number 20.
"Hay! Mapapagalitan tayo nito ni Sir Ian eh! Tara na!" sambit muli ni Lorrainne at malakas akong hinigit palayo run.
Nang makarating kami sa room ay nakasimangot akong umupo sa upuan ko at medyo nagdadabog pa. Ikaw ba naman na di nasatisfied sa pagtingin sa crush mo?!
Nagsimula nang magturo ang teacher namin nang biglang may kumatok sa pintuan ng room namin. Nang mapatingin ako sa kung sinong dumating ay nanlaki talaga ang mata ko nang makitang si Number 20 yun.
"Good morning, Sir, makikihiram lang po sana kami ng payong," sambit ng kasama ni Number 20.
Tumingin sa amin si Sir at nagtanong kung sino ang may payong. Buti na lang at girl scout ako at may dala akong payong.
Daig ko pa si Flash sa pagpunta ko papalapit sa pintuan ng room namin. Nahihiya kong inabot yung payong ko kay Number 20.
"Woy, Kiara, diba crush mo yan?" sigaw ng epal kong best friend na si Lorrainne.
Nagsipaghiyawan naman ang mga kaklase ko at tinukso-tukso kami. Parang tanga nga e, di man lang ako tinulak kay crush para makachansing man lamang kahit konti lang.
"Pereng tenge," nahihya kong sambit at bumalik na sa upuan ko. Patuloy lang sa pagkantyaw ang mga kaklase ko hanggang sa nakaalis na si Kruxx.
Nang naglabasan ay para akong bulate na hindi mapakali kasi naghihintay sa labas si number 20 habang hawak yung payong ko.
"Woy, babae, aakitin ka ata magdate oh," pang-aasar naman ni Lorrainne pero kinikilig ko lang siyang inirapan.
Nang nakalabas na ako ay mabilis siyang lumapit saken at iniabot yyung payong sakin.
"Thanks," sambit niya.'Mamshie, ang lalim ng boses! Jojowain ko na talaga eto!'
"Weleng enemen," pabebe kong sambit at may pag-ipit pa ng buhok sa tainga.
"By the way, I'm Kervin," sambit niya at inilahad ang kamay niya.
"I-I'm your jowa-" pabebe ko pa ring sambit at napatawa na lamang siya.
"Talaga?" nakangisi niyang tanong kaya mas lalo pa akong kinilig.
'Takte yung panty ko nahulog ata!'
"Pwede nemen. Peleten mo ko," pabebe ko pa ring sambit.
"Pwede ba kitang maging girlfriend?" sambit pa rin niya.
"Hala atii. Pinapakilig ako eh," sambit ko.
"Totoo. Matagal na kitang gusting ligawan kaso nga lang baka ireject mo 'ko," sambit niya kaya nganga ako.
"Eh? Di nga?" gulat kong tanong at tumango naman siya.
'HALAAA ATII!'
"Do you, Kiara, take Kervin to be your lawfully husband?" tanong ng pari sa amin.
"I do, father," nakangiti kong sambit sabay tingin sa lalaking ilang taon ko ng minamahal at patuloy ko pang mamahalin.
"You may now kiss the bride," sambit muli ng pari at tinanggal n ani Kervin yung belo.
Matamis niya akong ginawaran ng halik.Sa tuwing naalala ko kung paano nagging kami, natatawa na lang ako. Sino bang mag-aakala na ang crush ko noon, asawa ko na ngayon?
MORAL LESSON: MAGDALA LAGI NG PAYONG.
BINABASA MO ANG
Latte, Notes, & You
PoezjaCompilation of English and Tagalog Poems and Short Story || ON HIATUS