Ang mga Bituin
"Gem, bakit gustong-gusto lagi na manood ng mga bituin?" takang tanong ko sa kasintahan kong si Gemini.
"Ang ganda kasi nila..." nakangiting sambit ni Gem habang hindi pa rin tinatanggal ang pagkakatingin sa mga bituin.
"Parang ikaw," banat ko kaya nakangising lumingon siya sa akin.
"Echos mo," natatawang sambit niya kaya napatawa na rin ako.
"Tunayy!" sambit ko at nginiwian niya lamang ako.
Muli kaming napatingin sa langit at sabay na pinanood ang mga bituin.
"Ako yun!" sambit ni Gem at itinuro ang isang makinang na bituin.
Iyon nga yata ang pinakamakinang sa mga bituin kahit an maliit lamang ito.
"Edi ako yung katabi mo," sambit ko naman sa kanya at napangiti kami pareho.
Nakangiti kong itinago ang cellphone ko matapos kong tawagan si Gem. Ngayon ang 3rd Anniversary namin at balak kong magcamp sa isang secret place na nakita ko. Naisip ko na magandang idrya yun dahil pareho naming gusto na pinapanood ang mga bituin.
Napatingin ako sa relo ko dahil 7 pm na pero wala pa rin si Gem sa pagkikitaan namin. Idinial ko na cp niya pero out of coverage ito.
"Dina, alam mo ba kung nasaan si Gem?" tanong ko sa best friend ni Gem at karoommate niya.
"Nag-alis na siya kanina pa. Ang alam ko pupunta siya sa kung saan kasama mo. Di mo ba kasama?" takang tanong ni Dina.
Agad na kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Dina. Kung kanina pa umalis si Gem, bakit wala pa siya dito?
Muli kong idinial ang phone ni Gem at para akong aatakihin sa puso nang sagutin niya ito.
"Gem, asan ka?" nag-aalala kong tanong.
"Jax, baka malate ako. Naulan kasi dito eh," sambit niya at napahinga na lamang ako ng malalim.
"Sige, ayos lang. Ingat ka, Gem. I love you," sambit ko.
"Sige. I love you too, Jax," sambit niya at ibinaba ang phone.
Muling kumabog ang dibdib ko nang 9 pm na pero wala pa rin si Gem. Tinawagan ko si Gem ngunit di na naman siya nasagot.
Halos mapatalin ako nang tumawag si Dina ang roommate ni Gem.
"Jax! Jax! Si Gem!" naiyak na sambit niya kaya nangunot ang noo ko.
"Anong nangyari?!" gulat kong tanong.
"Si Gem, kasama siya dun sa mga naaksidente. Nahulog yung bus na sinasakyan nila sa highway!" naiyak na sambit ni Dina.
Para akong sinakluban ng langit at lupa dahil sa narinig ko.
Nagmadali akong nagdrive papunta sa hospital kung nasaan si Gem. Nang dumating ako dun ay ang daming mga pasyente. Agad kong hinanap si Gemini at halos mapaupo ako nang mahawi ko ang curtain kung nasaan siya.
Nandoon siya at nakahiga sa kama. Puno ng pasa ang mukha niya at marami ring dugo sa damit niya.
"Gemini Gievarra, time of death, 11:58 pm," sambit ng doktor habang nakatingin sa relo niya.
Papaanong patay na siya eh kausap ko lamang siya kanina?
Agad na nagsipag-unahan ang mga luha sa mga mata ko habang nanlulumong nakatingin sa kanya.
Ang babaeng minamahal ko ay... w-wala na.
Mula nang mawala si Gemini ay tila ba mas lalong lumiwanag ang pinakamamahal ni Gemini na bituin. Tila ba ipinahihiwaig niya sa akin na nandun na siya at masaya dahil kakaibang ningning ng bituing iyon.
Hindi ko alam kung ano ang plano Niya at kinuha niya agad si Gemini sa akin. Pero alam ko sa sarili ko na ni minsan ay hindi ako iniwan ni Gemini. Lagi siyang nakabantay sa akin sa pamamagitan ng pagningning ng mga bituin.

BINABASA MO ANG
Latte, Notes, & You
PoezieCompilation of English and Tagalog Poems and Short Story || ON HIATUS