Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sakit ng Nakaraan
I.
Buong akala ko'y tumigil na ang ulan
At nagsisimula nang lumiwanag ang buwan
Mga alaalang tila nais nang kalimutan
Ay patuloy sa pagtakas mula sa nakaraan
II.
Sana'y tumigil na ang sakit
Kapag aking ang mga mata'y ipinikit
At panibagong bukas ay hahayaang sumapit
Bukas na wala ng sakit at pait
III.
Patigilin ang pagluha
Gumawa ng panibagong simula
Isang simula na wala ka
Pati na ang sakit at pait na iyong ipinadama
IV.
Sana'y madali
Na umalis at huwag manatili
Ngunit hindi,
Dahil para kong sinisira ang aking sarili
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.