Ang Maskara
Napapaligiran ako ng mga taong nagsasayahan at nagtatawanan pero bakit ganon? Bakit ramdam ko pa rin yung kalungkutan?
"CR lang ako," paalam ko sa kanila ngunit ni wala sa kanila ang pumansin sa akin.
Bumuntong hininga at tuluyan na akong pumasok sa palikuran. Agad na nakita ko ang repleksyon ko sa isang lumang salamin.
"Kaibigan ka ba talaga nila?"
Ang isang pamilyar at nakakairitang boses mula sa aking ulo ang aking nadinig.
"H-hindi ko alam..." nanghihinang sambit ko habang nailing.
Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa mga pisngi ko at ngumiti sa harap ng salamin. Sa oras na lumabas ako sa palikuran na ito ay susuotin ko na naman ang maskara. Magpapanggap na naman ako na masaya kahit na alam kong hindi. Magtatakip na naman ako ng maskara kasi sino ba ang tatanggap sa isang gaya ko?
BINABASA MO ANG
Latte, Notes, & You
Thơ caCompilation of English and Tagalog Poems and Short Story || ON HIATUS