Hindi ba't kay gandang pagmasdan?
I.
Hindi ba't kay gandang pagmasdan,
Kung ang asul na dagat ay hindi plastik ang naninirahan,
Kung ang bawat hayop ay mapayapa sa kagubatan,
Kung ang mga puno ay puno ng ibong naghuhunihan,
II.
Hindi ba't kay gandang pagmasdan,
Kung ang mga basura ay nasa tamang basurahan,
Ang bawat tao ay may tamang kaalaman
Sa pagpapayabong ng kapaligiran
III.
Hindi ba't kay gandang pagmasdan,
Kung ang mga bawat miyembro ng tahanan,
Ay nakikiisa sa pagpapayaman
Ng kulturang ating kinagisnan
IV.
Hindi bat kay gandang pagmasdan,
Kung ang mga bata ay marunong rumespeto at gumalang,
Sa matanda man o kahit sa kalaro lamang,
Kung bawat isa ay pantay-pantay sa lipunang ginagalawan,
At walang mayaman o taong napaapakan.
BINABASA MO ANG
Latte, Notes, & You
PoetryCompilation of English and Tagalog Poems and Short Story || ON HIATUS