KABANATA 2

288 7 1
                                    

KABANATA 2


Bunganga ni nanay ang gumising sa akin kinabukasan. Hindi ko na talaga kailangan ng alarm clock dahil nand'yan lagi si nanay. Boses pa lang niya, basag na ang eardrum ko.

"Baka naman gusto mo nang bumangon d'yan Ernesto! Sabado ngayon at mamamalengke muna ako. Sa'yo ngayon ang lahat ng gawaing bahay."

"Ano ho?!" pupungas-pungas kong tanong. Pinandilatan naman niya ako ng mata.

"Oh? May angal ka? Babawasa ko ang allowance mo kapag hindi ka sumunod." Pagbabanta niya habang hinahawi ang kurtina sa kuwarto ko. Sumilay ang nakasisilaw na liwanag.

Dismayado akong napakamot sa ulo. Balak ko sanang bisitahin si Magda ngayon at kumustahin kung ayos lang siya. Kagabi kasi, alam kong hindi siya maayos.

"Nay, pagkatapos ko ng gawaing bahay, diretso ako kina Magda ha?"

"Ano na naming gagawin mo roon?" abala pa rin siya sa pagliligpit ng mga nakatulugan kong libro kagabi. Ay shet! Nakatulog nga pala ako habang nagbabasa . Nahiya naman ako kay nanay.

"Bibisita lang." tipid kong sagot.

"Pansin ko lang na madalas ang pagbisita mo sa kanya. Sagutin mo nga ako, anak. Nililigawan mo ba s'ya?" halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Hindi pa naman ako nakakapagsipilyo dahil kakagising ko pa lang.

"Si nanay talaga, kung ano-ano nang iniisip. Syempre, kababata ko ho 'yon. Natural lang na gumala ako sa kanila at dalawin sya." Nailing kong tugon sabay tawa. Binigyan niya ako ng hindi kumbinsidong tingin.

"Ewan ko sa'yo. Oh s'ya, aalis na'ko. 'Yong mga bilin ko, ha?"

Pagkaalis niya ay muna ako saglit at napaisip sa sinabi niya. Napapadalas raw ang pagdalaw ko. Wala nga naming sapat na rason ang palagian kong pagbisita sa kanya. Hindi ko rin alam. Bata may mali na sa nararamdaman ko. At alam kong higit pa'to sa pagkakaibigan.

Ibinaba ko ang pasan kong timba ng tubig nang matanaw ko si Magda na nakaupo sa isang malaking bato. Saktong nag-iigib ako ng tubig ay narito rin pala siya sa may tabing-ilog. Napangit na lang ako at kinawayan siya. Tanging isang tipid na ngiti lamang ang iginanti niya sa akin.

"Uy, problema mo?" bugad ko nang makalapit sa kanya.

"Iyon pa rin." Malungkot niyang sagot saka napatungo. Tinutukoy niya ang nangyari kagabi. Sabagay, ang hirap nga talagang tumira sa isang bahay na puro pag-aaway na lang lagi. Kung ako nga ang nasa katayuan niya, ituturing ko nang sumpa ang buhay ko kapag nagkataon. Buti na lang, bungangerang nanay lang ang meron ako at walang lasinggerong tatay.

"Huwag mo kasing problemahin. Lilipas rin 'yan. May kasabihan ngang don't problem the problem, let the problem problems you." Mahaba kong litanya kaya natatawa siyang napailing.

"Okay, sabi mo 'yan. Pero sa ngayon, poproblemahin ko muna ang mga labahin ko." Agad siyang tumayo at nilapitan ang isang plangganang tambak ng labahin. Napanganga naman ako.

"'Yong totoo? Kailan ka pa huling naglaba?" taas-kilay kong tanong kaya natawa siya.

"Last week pa ata." Pabiro niyang sagot kaya napangiwi na lamang ako.

"Tss. Dahil masipag ako at matulungin, tutulungan kitang maglaba. Nahiya naman kasi ako sa gabundok mong labahin." Ngumiwi ako nang taasan niya ako ng kilay.

"Che! Pero seryoso, huwag na Ernesto. Baka hanapin ka pa ng nanay mo." Umiling ako at nagthumbs-up.

"Hindi 'yan. Baka nga ako pa ang maghanap kay nanay." Sa sinabi ko ay lalo lang s'yang tumawa. Napangiti ako roon. Masaya akong napapatawa ang kababata ko. Gusto kong lagging nasisilayan na ngumiti si Magda. At 'yon ang hindi ko maintindihan kung bakit.

MAGDA [Completed]Where stories live. Discover now