KABANATA 5
Maya-maya ay may pinahid siya sa mukha niya.
Mga butyl ng luha.
"Magda, nakikita mo pa ba ang sarili mo?"
Lalapitan ko sana siya nang pilit siyang lumayo at pumunta sa sulok ng kama. Tahimik siyang umiyak habang yakap ang dlawang tuhod.
"Huwag mo'kong lalapitan. Isa akong maruming babae. Kung iyon ang tingin nilang lahat sa akin, kung iyan ako para sa'yo Ernesto." Natahimik ako at umupo na rin sa sulok ng kama. Malayo sa kanya. Rinig ko ang maya't maya niyang paghikbi at wala akong magawa. Hindi ko na kinaya pang tingnan lang siya kaya nilapitan ko na.
"Anong nangyari sa'yo? Hindi na ikaw 'yong babaeng nakilala ko. Hindi na ikaw 'yong babaeng...minahal...at minamahal ko." Pumiyok ang boses ko pero pinigilan kong huwag ilabas ang hinanakit na nararamdaman ko.
Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa maamo niyang mukha. Napatingin sa akin ang luhaan niyang mga mata hanggang sa magkalapit na ang mukha namin.
"I'm sorry." Bulong niya sa pagitan ng mga hikbi. Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari.
Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa magkadikit ang mga labi namin. Pinagsaluhan naming ang halik na iyon na hindi tulad ng nauna. Hindi marahas at walang bahid ng kung ano man. Hinahalikan ko si Magda bilang babaeng mahal ko at hindi bilang babaeng kaladkarin ng iba.
Buong magdamag naming pinagsaluhan ang init ng gabi at sensasyon na nararamdaman. May nangyari man sa amin ay hindi ko iyon pinagsisisihan.
"Goodnight, Ernesto." Rinig ko ang malambing na tinig ni Magda bago ko maipikit ang aking mga mata. Hinalikan niya ako sa noo na s'yang nagpangiti sa akin.
Nagising ako dahil sa ugong ng nakabukas na aircon at nakabukas na ilaw. Doon ko lamang naramdaman ang lamig dahil nakahubad pala ako. Pinulot ko ang polo kong nalaglag na sa sahig pagkatapos ay hinagap ko ng tingin ang buong kwarto.
Wala na si Magda.
"Magda?" matapos kong isuot ang polo ko ay aalis na sana ako nang saglit akong mapatigil. Nakita ko ang isang nakaipit na papel sa may bed side table. Kung tama ang hinala ko, sulat-kamay ito ni Magda.
Nang ko nang basahin ay saka ako tinamaan ng matinding kalungkutan.
Mahal kong Ernesto,
Alam kong tulog mo'y malalim
'Di na'ko nagpaalam, di na kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
Noong iniwan ko ang baryo natin
Ang akala ko isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
Hinanap mo kung saan-saan at kung kani-kanino
'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
Imbis na ako'y sagipin, itinulak pa sa bangin
Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
Kung mabaho sabunin
Kung Makati gamutin
Kung hindi masikmura ay ibaling ang tingin
Kahit ako ay bayaran at kaladlkaring babaeng
Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalake
Isa lang ang kaya kong maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod-tangi kong hinalikan sa labi
Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap
Ako ma'y natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
Wala na yatang walis na makakalinis ng kalat
At ang katuld ko sa'yo ay 'di karapat-dapa
Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid
Ngunit sa dami ng pait, ang puso ko'y namanhid
'Di ko malilimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap, huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
Salamat sa mga ala-ala...
Nagmamahal,
Magda
Halos mabasa ng luha ko ang hawak kong papel at nanginginig na napaupo na lamang sa sulok. Nasuntok ko nang 'di inaasahan ang pader na sinasandalan ko.
Hinanap ko s'ya at muling natagpuan pero 'di ko inaasahan na pagkatapos ng gabing iyon, mawawala muli siya.
Akala ko magbabago siya, sasama sa'kin sa probinsya at pipiliting mamuhay ng simple. Mali ang akala ko.
Tulala akong napatitig sa kisame habang dire-diretso ang pag-agos ng luha. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pagod na rin akong maghintay sa taong wala na ring pag-asang mabago ang sarili niya. Pinahid ko ang luha ko saka tuluyang lumabas bg kwarto.
Paalam, Magda. Hanggang dito na lang siguro ang lahat. Pero may konting saya pa rin akong nadarama na kahit sa sulat ay ramdam kong mahal rin niya ako.
Umuwi na rin ako sa probinsya ng hapon ring iyon. Pati si nanay ay nagulat rin sa biglaan kong pagdating.
"Oh, Ernesto! Ang aga mo naming umuwi. Akala ko bas a isang linggo pa? si Magda, kasama mo ba?" may panunukso aa tinig na usisa ni nanay. Ngumiti lang ako ng tipid atsaka tumitig sa kawalan.
"Hindi na sya uuwi. Masaya na s'ya roon."
"Ayy, saying. Marami pa naman sanang kakanin rito na paboritong-paborito n'ya. Teka, magmeryenda ka muna. Tara, pasok tayo."
"Sige, nay. Susunod ako."naiwan ako sa labas ng bahay na nakatulala sa langit."
Umaasa pa rin akong magbabago siya at babalik sa dati. Ngunit alam kong imposible na 'yong mangyari. Siya na mismo ang pumili ng kapalaran niya noong una pa lang. iyon ang kagustuhan niya at wala na akong magagawa.
Natawa na lamang ako sa mga iniisip ko. Bakit nga ba tayo nangingialam sa paglilinis ng baho ng iba?
Pagbibigyan kita, kilala mo ba si Magda?
-WAKAS-
YOU ARE READING
MAGDA [Completed]
Fiksi UmumIto ay kwento ng isang babaeng tulog sa umaga, gising sa gabi. Ang kanyang mukha ay puno ng kolorete Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi Simulan na natin ang istorya.