KABANATA 4
Makalipas ang ilang taon...
Heto akoat mag-isang nakaupo saa ibabaw ng malaking batosa tabing-ilog habang walang kasama at tanging mapapanglaw na ala-ala na lamang.
Noong masaya pa kami. Noong narito pa s'ya. Noong mga araw na kasama ko pa si Magda.
Nakapagtapos na nga pala ako ng kolehiyo at naghihintay na lamang ng oportunidad na makapagtrabaho sa isang kompanya sa Maynila. Dumaan na ang maraming taon. Makakaluwas na nga ako ng Maynila, hindi pa dumarating si Magda. Siguro ay may regular na trabaho na siya roon. At marahil doon na rin siya nagka-nobyo. Ang daming siguro na pumapasok sa utak ko at 'di ko namamalayang napapangiti na ako nang mapakla.
Mula nang umalis s'ya, natuto na akong maghintay sa wala. Alam kong walang kasiguraduhang babalik pa siya pero sa kaibuturan ng puso ko, masaya na akong natupad ang pangarap n'yang makaalis rito sa probinsya namin. Ang makaabot ng Maynila at matakasan ang mga problema.
Kumusta na kaya s'ya ngayon? Naaalala pa kaya niya ako?
Ang pangungulila ko sa kanya ang nagtulak sa akin upang pumunta ng Maynila.
"Nay, luluwas ako bukas." Sambit konang minsang magsabay kami kumain. Halos mabulunan siya sa sinabi ko kaya agad ko s'yang binigyan ng tubig.
"Seryoso ka ba?" tanong niya nang mahimasmasan. Tumango na lamang ako dahil alam kong hindi niya ako pagbabawalan. Nasa sapat na akong edad at kayak o na ang sarili ko. Hindi lang naman trabaho ang gusto kong hanapin sa pag-alis ko. Kundi at Makita muli si Magdalena. Ang babaeng minsan kong minahal at minamahal.
Pag-apak ko pa lamang sa siyudad ng Maynila ay halos manlumo ako sa nagtataasang gusali. Hindi ko tuloy alam kung makaka-survive ba ako rito o magiging isang pulubi na rin ako kasama ng ilang nagdaraanang mga batang-kalye.
Napakamot ako sa ulo. Hindi ito ang inaasahan kong hitsura ng Maynila. Malayong-malayo sa inaasahan ko. Pero dahil nagbabakasakali akong mahahanap ko si Magda, hindi na ako pwedeng bumalik.
Dala-dala ang munting pag-asang natitira, ay lakad lang ako ng lakad sa kahabaan ng kalsada, panay ang lingon sa mga establisyementong nadaraanan.
"Excuse me, pwedeng magtanong? Hinahanap ko kasi si Magda, kilala mo ba s'ya?"
"I'm sorry, sir. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy n'yo."
Bagsak-balikat man, ay 'di ko kayang sumuko. Hanggang sa dalhin ako ng sarili kong mga paa sa isang maingay na lugar.
Hindi pa ako nakakalapit sa entrance ay hinarang na ako ng isa sa mga bouncer. Pero sa kabila noon, 'di ko maiwasang hindi mapangiti nang makita ko ang poster n'ya na nakakaakit sa pinto.
Si Magda ang nasa larawan, hindi ako maaaring magkamali. Sa sobrang laki ng ipinagbago niya ay hindi ko siya agad nakilala, ngunit alam kong larawan n'ya 'to. Iba man ang kulay ng buhok niya, hindi ko malilimutan ang kanyang mga mata at matatamis na ngiti. Sikat nap ala siya nang hindi ko namamalayan.
Sa sobrang tuwa dahil sa wakas nakita ko na ang babaeng matagal ko nang hinahanap, dali-dali akong pumasok sa loob para makita s'ya.
Nagulat na lang ako nang makita ang kabuuan ng silid. Madilim at tanging nagkikislapang ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag. Maraming mga mesa't mga nag-iinuman. Tingin ko'y mga mayayaman ang iba sa kanila.
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang lumabas mula sa isang kwarto ang pumapalakpak na lalaki at bungguin ako.
"Lalabas na! Lalabas na! Let's get the show rolling!" sigaw nito. Biglang nagpalakpakan lahat sa mabagal na awiting itinutugtog ng speakers sa paligid.
YOU ARE READING
MAGDA [Completed]
General FictionIto ay kwento ng isang babaeng tulog sa umaga, gising sa gabi. Ang kanyang mukha ay puno ng kolorete Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi Simulan na natin ang istorya.