KABANATA 3
Sabado ngayon pero tambak ang assignments ko para sa araw ng Lunes. Dahil 'di ako makapagfocus gumawa sa bahay, mas pinili kong pumunta sa bench na malapit sa bukid at doon magsulat.
Maganda kasi ang view at higit sa lahat, nakaka-inspire. Ditto ko nahahanap ang peace of mind na kailangan ko lalo na ngayon na gusto kong mapag-isa at makapag-isip-isip. Dito rin kami lagi tumatambay ni Magda noong pumapasok pa siya sa school. Nagkokopyahan at nagtutulungan sa paggawa ng assignments.
Napabuntong-hininga ako dahil sa mga ala-alang bumalik sa isipan ko.
"Ernesto!" naibaba kong di oras ang hawak kong libro nang tumambad sa aking harapan ang nakangising mukha ni Magda habang bitbit ang bilaong wala nang laman. Tingin ko kakaubos lang ng mga paninda n'ya. Umupo siya sa katapat kong upuan.
"Kumusta ka na?" nagsalita ulit siya nang mapansing hindi ako umiimik.
"Ayos lang." tipid kong sagot. Sa totoo lang ay gusto ko na ring humingi ng sorry dahil sa nangyari. Nahihiya lang ako kaya nagpatuloy na lamang ako sa pagbabasa para 'di ko mapansing nasa harapan ko siya.
"Pasensya nga pala. Alam kong nagkasamaan tayo ng loob." Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong sumilay ang malungkot niyang ngiti sa kanyang labi. Hindi pa rin ako ummik. Wala akong mahanap na salitang pwedeng isagot.
Habang nagbabasa ay napansin kong umayos siya ng pagkakaupo. Ipinatong niya ang kamay sa mesa saka nakapangalumbabang tumingin sa akin. Nakakailang siyang tumitig kaya mga ilang minute pa ang lumipas ay napatingin na rin ako sa kanya.
"Baki?" walang emosyon kong tanong. Alam kong nanibago siya sa inasal ko. Bumuntong-hininga muna siya at napatingin sa malayo.
Umihip ang malakas na hangin na s'yang nakapagpalipad sa mahaba niyang buhok. Mas lalo siyang gumanda sa paningin ko.
"Sayang mag-aral, no?" nakaramdam ako ng pagkaawa dahil sa sinabi niya.
"Mag-aral ka ulit. May pangarap ka naman di'ba?" ibinaba ko ang hawak kong libro para mas makausap siya.
"Meron. Baling araw, makakaalis ako sa lugar na'to. Gusto kong pumunta ng Maynila, Ernesto." Determinado niyang sagot. Bakas sa mga mata niya ang matinding pagnanasa na makaahon sa buhay na mayroon siya ngayon. Ngunit paano siya makakaahon sa hirap, gayong hindi naman siya nag-aaral?
Kahit alam kong walang kasiguraduhan ang magiging buhay niya roon pagdating ng panahon, wala naman akong karapatang tumutol. Isa iyon sa pangarap niya at pangarap ko rin. Sa tulad naming laking probinsya, iyon na siguro ang pinakamataas naming pangarap, lalong-lalo na para kay Magda.
Nagkyaayos rin kami ng araw na iyon. Bumalik kami sa dati, na minsan nagkakayayaan gumala, pero madalas abala kami pareho sa kanya-kanya naming buhay. Hanggang sa pagdaan ng mga araw, mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. At hindi ko iyon kayang aminin. Dumating na sa puntong pati pagbilis ng tibok ng puso ko tuwing kasama ko siya ay mas lumala pa. Nagpapasalamat na lang ako at hindi niya iyon nararamdaman.
Dito naman kasi ako magaling, eh. Ang magtago ng nararamdaman para sa isang tao.
"Congrats, mga tsong! Sa wakas makakagraduate na tayo!"
"Oo nga! Di ako makapaniwala! Saan nga pala kayo mag-aaral ng kolehiyo?"
"Ewan, baka sa Manila na. Ikaw Ernesto?"
Napatigil ako habang hawak ko ang certificate ko dahil bigla kong naalala si Magda. Napaisip agad ako. Kung sana nagpatuloy rin si Magda ng pag-aaral, sabay sana kaming gagraduate. Pero hindi, at iyon ang nakakalungkot.
YOU ARE READING
MAGDA [Completed]
General FictionIto ay kwento ng isang babaeng tulog sa umaga, gising sa gabi. Ang kanyang mukha ay puno ng kolorete Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi Simulan na natin ang istorya.