Via’s POV
“Ikaw si Via B. Ordinario. Labing anim na taong gulang. Ulila,” usal nito. “Mayr’on kang lola at kaibigan. Ang lola mo ay si Vrian Brasco at ang kaibigan mo si Karen Janine Hernandez. Ang cellphone password mo ay ang taon ng iyong kapanganakan. Nag-aaral ka sa Dejoria University. Wala kang ibang nakakausap sa school kung 'di si Karen. Mahilig ka sa music. Lahat-lahat ng impormasyon ay nakasulat sa diary mo na siyang nakalagay sa attic. Makinig ka Via . . . . Bawal ka sa kasinungalingan. Mag-ingat ka sa taong nakapaligid sayo. Don’t let people tell you lies because in that way... you’ll have the chance to glimpse Death.”
Ang video ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa sarili ko at ako mismo ang nagsalaysay nito. Tatlong beses ko na itong pinanuod. Ako ang nagsasalita sa video at para ba’ng pinapaalala sa akin ang bawat detalye ng buhay ko. Wala akong maalala. Mabigat ang pakiramdam ko. Kakagising ko lang at sa bawat segundong lumilipas ay unti-unti akong nalilinawan. Pero hindi maitatangging pawang panaginip lamang ito para sa akin. Pakiramdam ko’y nananiginip ako nang literal. Malabo ang lahat. Pawang kanina lamang ay hindi ko alam kung nasaan ako o sino ako pero habang tumatakbo ang oras ay nakakapa ko ang lahat. Itong mundong ‘to . . . Pamilyar na. Itong katauhan ko ay kilala ko na.
Napabuntonghininga ako at humarap sa babaeng kanina pang naluluha’t ‘di mapakali.
Unti-unti niyang inilapit ang kanyang kamay sa aking kamay. Namalayan ko na lang na hawak na niya ang pupulsuhan ko.
Apat na laslas? There are four scratches in it and they are quite deep.
“Via?” aniya. Ang boses niya ang may nagbabadya ng pagkabiyak. Her eyes were red. She cried.
“Nasan si Lola? Sino ka nga pala?” tanong ko.
Ang tanging alam ko ay may lola ko. Trully, I have family. She’s the only one that I can trust . . . My lola.
“Via, bakit naman ‘di mo agad ako maalala?” tanong niya at sa pagkakataong ito ay tunog nang pagalit. Ngarag ang boses niya at tumutulo ang luha sa kanyang mata, kasunod niyon ay dumagsa nang tuluyan ang mga luha niya.
Lumapit siya sa akin at napaluhod dahilan para maging magkalebel ang tingin namin.
Umiiyak siya at iyon ay isang senyales na siya ay may malasakit sa akin. Marahil ay nag-aalala siya sa aking sitwasyon. Kung ganito maapektuhan ang emosyon niya sa kalagayan ko ay malaki ang posibilidad na malapit siya sa akin. Dapat lamang na bigyan rin siya ng pansin.
Hindi ko maintindihan ang naging akto ko. Niyakap ko na lamang siya. Iyon lamang ang nakayanan kong ibigay.
“Okay lang. Ito pa rin ako,” saad ko habang hinahagod ang likod niya. “Nagising ako. Hindi ko maintindihan ang lahat kaya magiging maganda kung ipapaintindi mo sa akin. Iintindihin ko,” naging saad ko.
Ngumiti ako sa kanya. Umiyak pa siya nang ilang minuto, pinakalma ko siya, akala ko ay hindi na matatapos ang pag-iyak niya, mabuti lang ay may tumawag sa kanyang cellphone. Nalingat ang pokus niya, iyon ang naging tiyansa ko upang makausap si Lola Vrian. Lumayos siya ng distansiya. Naisip ko pa rin na wala akong nakuhang ideya sa kung sino siya.
Nang makausap ko si Lola ay d’on ko nalaman kung gaano kalalim ang pagkakaibigan namin ni Karen. Tama nga ang hula ko na siya ang kaibigan ko na nabanggit sa video. I should edit it with pictures for accuracy, I should do it. Time with my lola really helped me. Her story helped me to remember everything. . .
“Apo, salamat naman at hindi mo ako nakalimutan,” saad ni Lola habang hinahaplos ang mga sugat sa pulso ko.
“Apo, apat na buhay na ang nawala,” aniya habang nakatitig lang nang masinsinan sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Don't lie, I'll Die [AVAILABLE NOW!]
Ficción General[COMPLETED] SLS#1 Katulad ng kanyang apelyido, nais ni Via na maging normal at ordinaryong estudyante sa Dejoria University ngunit may natatanging kundisyon ito kung saan buhay niya ang nakasalalay. Hindi ito sakit sa balat, dugo, buto o kahit na an...