Isa kang Sabali, mahirap man pero kailangang tanggapin. Ang katotohanan ay masakit ngunit ang kasinungalingan ay nakamamatay.Sabali Lampios ang tawag nila sa amin na may pambihirang kundisyon. May kakaibang pakiramdam na hatid sa akin ang mga kasinungalingan.
Parang pusa lamang, ayon kay Lola, na may siyam akong buhay at nababawasan sa oras na may nagsinungaling sa akin. Kasama nito ang pagsulpot ng laslas sa braso ko na pawang isang tara. Senyales ito na nabawasan na ang aking buhay. Hindi lamang ‘yon dahil dalawampu’t apat na oras din akong walang malay at paggising ko may mga alaala akong nakalimutan.
Mahirap ang lahat ng ito para sa akin dahil kailangan na ipaalala nang paulit-ulit ang aking kundisyon.Wala akong ideya sa kung paano ito nagsimula. Hindi ko alam kung sakit ba ito o sumpa. Isa kaming misteryo at gusto kong manatili misteryo hanggang sa ramdam kong tanggap na ako ng lahat.
Gusto ko itong itago upang mamuhay ng normal.“Mama mag-i-school na po ako, ‘di ba?” tanong ko kay mama. Hinihilot niya ang kamay ni Lola Vrian.
“Oo naman. I know you’re excited na kaya naman inasikaso ko na agad,” ani Mama.
Nakita ko ang pasimpleng pagtitinginan nila ni lola na para ba’ng nag-uusap sila gamit ang mga mata.“Via do’n ka muna sa kwarto mo,” utos ni Mama pero dahil excited ako ay lumabas ako ng bahay para tingnan ang ibang mga batang naglalaro.
Nasa gilid ako ng malaking halaman, nagtatago habang nakasilip sa mga batang naghahabulan.
“Via, Via!”
Bumilis ang tibok ng aking puso dahil may tumawag sa pangalan ko. Sa takot ko ay dali-dali akong bumalik paloob ng bahay.
Si Han, siya naman lagi ang tumatawag sa pangalan ko. Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakalalaro at hindi ko rin alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Sabi nina Mama at Lola ay bawal akong lumabas kaya nasa bahay ako at nakatanaw sa ibang bata.“Via.” Narinig ko ang mahinahon na boses ni Mama.
“Bakit po?” tugon ko habang hinihingal pa. Buti ay hindi niya ako naabutan sa labas.
“Naisip ko kasing mas maganda kung dito ka na lang mag-school sa bahay.”Nakunot ang noo ko.
“Sabi po ba ni Lola?”
Tumango-tango siya sa akin bilang tugon.
“Mahal niyo po ba ako? Bakit si Lola ang laging nasusunod? Paano ang gusto n’yo para sa akin?”
Nagulat si Mama sa pag-angal ko. Bahagya ko pa’ng nakita ang luha niya.
“Anak kita, mahal kita. Kaya ko sinusunod ang lola mo ay dahil naniniwala ako na ‘yun ang mas nakakabuti.”
Natigilan si Mama, maging ako dahil lumabo ang aking paningin at ang tunog ng salitang sinasabi ay paulit-ulit sa aking tenga. Pumasok ito sa isipan ko at halos kainin ng mga boses ang aking katinuan. Nakakarindi ang paulit-ulit na mga katagang, “Anak kita.” Naiyak ako sa ‘di malamang dahilan at misteryosong natanto ko na isang kasinungalingan ang sinabi ni mama.
Gulat ako sa nangyari lalo na sa hiwa sa braso na biglang sumulpot.
“Via, Via, what’s happening? Talk to me, please. Via!”
Ang minding pag-aalala sa mga mata ni Mama, ang huling imahe na aking nakita bago mawalan ng malay. ‘Yon na ang unang beses na nangyari sa akin ang pambihirang kundisyon at ang huling beses na nakita ko si Mama.
___
BINABASA MO ANG
Don't lie, I'll Die [AVAILABLE NOW!]
Beletrie[COMPLETED] SLS#1 Katulad ng kanyang apelyido, nais ni Via na maging normal at ordinaryong estudyante sa Dejoria University ngunit may natatanging kundisyon ito kung saan buhay niya ang nakasalalay. Hindi ito sakit sa balat, dugo, buto o kahit na an...