Secret Journal 7

4.5K 48 13
                                    

Love is just another stupid illusion, desperate people choose to believe. Ito ang bagay na pinaninindigan at pinanghahawakan ko. Almost every day, nakakakita ako ng couple na naglalampungan, then suddenly mag-aaway, tapos maghihiwalay, and after a few days sila na ulit – and the cycle of foolishness starts to roll. Pathetic. Ang weird nila no?! Hey, don’t get me wrong there. Hindi ako bitter sa mga taong ganoon. In fact, I had several girlfriends,  walang umabot ng one month, at wala rin akong binalikan.

By the way, ako nga pala si Arden. 21 years of age. Isang engineering student, and living somewhere sa Pasay City. Hindi ako sobrang gwapo at artistahin, pero ‘di rin naman ako pangit. Yung tipong, pwede na… well, atleast kahit papaano ‘di pa na-zero admirers ko. Hehe. Anyway, something happened na lalong nagpatibay sa pananalig ko na “Love is just another blah blah blah…” It was the time when I met Leane again. She’s cute – no, she’s beautiful. Nope, gorgeous. Isang patunay ay ang pila-pila niyang manliligaw. And yes, kapitbahay ko siya.

I can still remember that time, nagbabasa ako ng Catching Fire sa terrace ng bahay namin habang nagpapatugtog ng heart-broken-and-sad-love-songs, nang may biglang bumato sa akin ng crumpled paper. Lumingon ako para hanapin kung sino ang bumato sa akin, and I spotted her at their veranda waving at me.

“Hi! Busy ka?” tanong niya.

“Hindi naman,” sagot ko.

“Uhm, pwede bang pumasyal diyan? Wala kasi akong magawa dito eh, wala rin akong makausap. Busy-busyhan sila eh,” aniya.

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Hindi rin naman kasi kami ganoon ka-close, pero pumayag ako. Habang papunta siya sa amin, napansin ko ang ibinato niya sa akin kaya pinulot ko. Nang akmang bubuksan ko na…

“Hello!” bati niya.

“Uy, andiyan ka na pala,” tugon ko sabay balik sa kinauupuan ko. “Upo ka.”

Nung umupo siya, saktong biglang tumunog ang kantang God Gave Me You.

“Wow, ang cute naman ng sountrip mo, in-love ah,” pakutyang sabi niya.

“Ah ‘yan ba? ‘Di, ano lang yan. Nakakatuwa kasi minsan makinig sa mga ganyang kanta,” sagot ko, then I returned to what I’m reading.

“Sabagay. Catching Fire?! Nagbabasa ka rin pala niyan?” she asked.

“Oo, nagpabili ako kay Tita Charry,” sagot ko.

“Ah, nabasa ko na yan. Gusto mo ng spoiler alert?” biro niya.

“Huwag ka nga… adik,” pangiting tugon ko.

“Kamusta na nga pala si Tita Charry? Kailan siya dumating?” tanong niya.

“They’re okay. Last week lang sila dumating from Singapore…” at tuluyan ko nang ibinaba ang binabasa ko and started conversing with her. There I realized, madali lang pala kaming magkasundo. Nang bandang takipsilim na, she had to go home. Tinatawag na kasi siya ng Mom niya. So we exchanged phone numbers and started getting to know each other – again. As days go by, we started getting comfortable with each other hanggang sa normal nalang sa amin ang pagbisita sa bahay ng isa’t-isa.

Secret JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon