Secret Journal 1

593 25 11
                                    

Love is an opportunity too good to ignore.  Well, ilusyunada na kung ilusyunada. But when it comes to kwentong tunay at wagas na pag-ibig, ang quote na ito ang bandera ko. Yeah, let’s say na hopeless romantic and drama ko but I’m proud of it. Ang maipagmamalaki ko, hopeless romantic man, hindi naman hopeless at very romantic ang lovelife ko. Maganda kaya ako! Actually, there was a time that almost hopeless na ako. Alam mo ‘yung feeling ng unrequited love? Kahit na isang pader lang ang namamagitan sa bahay niyong dalawa? Tapos lagi mo pa siyang nakikita mula sa bintana ng kwarto mo at para kang isang pantal sa isang higad na nakapatong sa dahon ng gabi sa sobrang kilig?

Ok. Modesty first. I am Charleanne – but my friends call me Leane. I’m 21 at nakatira sa puso ni Arden. Joke lang! Sa Pasay po talaga ako nakatira. At si Arden ang kapitbahay ko na iniirog ko mula ng ako ay magdalaga na pinaniniwalaan kong sa akin nakatadhana. Haay, ewan ko ba. Nung tinamaan ata ako ng pana ni cupid tagos hanggang spinal cord ko. Pero bilang isang dalagang Pilipina, hindi ko siyempre magagawang magconfess sa kaniya.

Kung paano nagsimula ang pagsinta ko sa kaniya ay di ko rin masasabi. Flashback, kababata ko siya. But unlike the other guys in the neighbourhood, madalang siyang lumabas ng bahay nila. Maliban sa paminsan-minsan na pagbabasketball ay ‘di mo na siya halos makikita sa labas ng bahay nila – pero siyempre, kung nakatira ka sa bahay ko, kitang-kita mo mula sa bintana ko kung ano ang ginagawa niya sa room niya o kaya sa terrace nila. Ako naman, dahil sa “strict” ang parents ko, ‘di rin ako masyado lumalabas ng bahay. Usually, nasa veranda lang ako o kaya sa room ko or sa sala namin pag may ine-entertain na manliligaw. Siguro part ng adolescence at ang paminsan-minsang sulyap ko sa kaniya at ang kapansin-pansing kagwapuhan at kagandahang lalaki niya kaya ako nainlove sa kaniya. Minsan nga pag may manliligaw ako, titingin ako sa bahay nila tapos sabay bulong na “Eh ikaw? Kelan mo ako liligawan? Sabihin mo lang papakasal tayo agad!”

It came to a point na akala ko sa pangarap ko nalang siya makakasama. But destiny really knows how to play its cards. Ah! I LOVE YOU SERENDIPITY. One time, nagdo-doodle ako ng “Arden Love Charleanne,” “Arden and Charleanne forever!” “Solinap-Perez Nuptials,” – yung mga ganoon – sa isang bond paper sa kwarto ko habang nakatitig sa nag-iisang Adonis ng buhay ko sa terrace nila, ng biglang hinablot ng kapatid ko ang papel.

“Ay ano yan? Arden love Charleanne, Candle Flames, High School? PBB teens?” aniya. “Sabihin ko kaya to sa kaniya?”

“Ano ba ate? Akin yan. Subukan mo lang talagang sabihin sa kaniya, ‘di talaga kita mapapatawad!” sagot ko.

“Ah ganoon, eh di ikaw ang mag sabi!” sabay crumple sa paper at tapon sa terrace sa kabilang bahay. Naku po! Lagot ako pagnabasa niya iyon. I had to do something. Kiss ko nalang siya – landee!

“Hi! Busy ka?” pukaw ko sa attention ni AAAArrrdeeeennn!

“Hindi naman,” sagot niya. Gosh sinagot niya ako. Kami na ba? Joke!

“Uhm, pwede bang pumasyal diyan? Wala kasi akong magawa dito eh, wala rin akong makausap. Busy-busyhan sila eh,”

“Ok lang,”

OMG talaga noong oras na iyon. Sobra akong kinakabahan at kinikilig naiisip ko palang na makakatabi ko siya. But sadly, di na ako nakapagpaganda – duh! andun kaya ang love letter ko, di ko alam kung paano ko siya haharapin pagnabasa niya iyon tsaka maganda naman talaga ako kahit ‘di mag-ayos. And then ayun na nga. I arrived at their house at diretso agad ako sa terrace nila. Muntik na akong malagutan ng hininga nung makita ko na hawak-hawak niya yung crumpled paper. But by the looks of it, mukhang hindi pa naman niya nabubuksan. Naagaw ko agad ang attention niya. Nagkausap kami, nagpalitan ng phone number at nung ginabi na, umuwi na ako. OMGx2 talaga. Feeling ko lumampas na ako sa boarder line ng heaven sa sobrang saya ko that day.

Secret JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon