Secret Journal 5

703 24 3
                                    

You love because the reason is love – not because there are any other reasons. Hindi natin pwedeng sabihin na nagkamali tayo ng taong minahal – lalo na kung nasaktan o nasasaktan tayo. Hindi naman natin alam na masasaktan tayo sa huli ‘di ba? At kahit may possibility na masaktan tayo, we could never hinder our heart from loving. Hindi rin natin pwedeng sabihing nagpapakatanga tayo because of love. Nagkataon lang na iyon ang choice natin dahil umaasa tayo na sa kabila ng paghihirap na dinaranas natin, we would eventually achieve the happiness we’ve been hoping for.

My name is Aquarius, 19, Dormitory tenant, and an editor of the student publication. Sabi nila, gwapo daw ako. Sabi ko naman, “hindi, medyo lang,” hehe! Kapal ko no!? Well, may pagkamakulit din ako, mahilig magbasa ng libro, mahilig mag sound-trip, matalino daw, at higit sa lahat – tapat pag nagmahal.

Hanggang saan ang kaya mong i-sacrifice when it comes to love? Ako, with Leslie, halos lahat. Kay Leslie ko naranasang magmahal ng buo. Ang kagandahan ni Leslie was not that of a bombshell. She’s just simple. Hindi siya mahilig maglagay ng kung anong kolorete sa mukha. She’s smart, at palakaibigan. I’ve been secretly loving her from the first day I saw her – that was the first day of class when I entered college. But only during my last year lang ako nagkaroon ng lakas ng loob to court her.

Finding the perfect timing para magpakilala sa kanya was difficult. Luckily, I thought of a great idea. It was June then, and we are about to distribute our first issue for that term. I volunteered na ako ang mamimigay sa course nila. Pagdating ko sa room nila, I saw her. Siya lang mag-isa.

“Uhm… miss, excuse me. Good morning!” bati ko

“Good morning din. Ano po’ng kailangan nila?” sagot niya.

“Uh, mamimigay sana ng release namin. Uhm… asan ang mga classmate mo?” tanong ko.

“Ah, nag-lunch break na sila. Maaga kasi kaming na-dismiss ngayon eh,” sagot niya.

“Ahh, ay! Eto nga pala. Shucks, paano pala to? ‘Kaw lang mag-isa. Uhm, pwede bang ano… kunin ko nalang number mo, tapos text kita para malaman if andito na mga classmates mo,” paraparaan ko.

“S-sige, okey lang,” sagot niya.

Sa loob-loob ko, YES! We exchanged phone numbers and I gave her a copy of our issue. Nang oras din na iyon, my confidence built up. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Niyaya ko siyang mag-lunch, at pumayag siya. I used the chance to get close, preparing for the day that I would confess my feeling for her. Acquaintance party came. There was this battle of the bands and my group was enlisted.

“Naku, kami na next. Kinakabahan na ako,” sabi ko.

“Ano ka ba! Ikaw pa,” pampalakas loob niya.

“Sabi mo eh. Basta, ang performance ko ngayon, para sa iyo,” sabi ko.

“Ang sweet naman, lalanggamin ako niyan. O, tinatawag na kayo. Goodluck! Sana manalo ka,” aniya.

“Saan? Sa patimpalak na ‘to o sa puso mo? Sige, see ya!” bilin ko. Nakita kong medyo nabigla siya sa sinabi ko. Hindi na siya nakapag-react kasi mag-peperform na ang banda ko. We played The Ballad of Mona Lisa at nahuli namin ang puso ng audience. Lalo na pagdating sa second song.

“Para kang… asukal,

Singtamis mong magmahal…

Para kang… pintura,

Buhay ko ikaw ang nagpinta…”

Tili ng tili ang audience. My eyes searched for her. Nakita ko siya malapit sa stage. Pagkakataon.

Secret JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon