Secret Journal 2

487 18 3
                                    

Love is a risk – either you’ll be happy or be hurt entirely. Siguro naman walang kokontra sa akin dito. Pagdating sa pag-ibig, lahat tayo sumusugal. Lahat tayo, nakataya ang feelings natin. Lahat tayo, hindi sigurado sa kung ano ang kahihinatnan. Marami sa atin ang nakaranas ng unrequited love. Marami rin naman ang umuuwi sa happy ending. Sabi nga nila diba? Wala talagang kasiguraduhan ang lahat. Pagdating sa pag-ibig, ang maging masaya at masaktan, mararanasan natin. Pwedeng, sumaya ka muna bago masaktan at pwede rin namang the other way around.

Ako nga pala si Amethyst. Twin brother ni Aquarius, 19, and I have a seat in the executive position in our student council. Dorm tenant rin ako. I would say na maganda ako since gwapo naman yung kambal ko. May katankaran din at maputi. Sabi nila, I have a bubbly personality daw at madaling pakisamahan. Sabi lang nila yan.

Regret – a simple word yet sobrang bigat ng implication. Yung mga what-ifs, what-could’ve-beens, what-might-bes. Mahirap yung maisip mo na… paano kaya kung ganito ganyan, edi sana ganito ganyan. Minsan sa buhay natin, napagdaanan na natin yan. Pero alam niyo ba kung saan mas masakit ang regret? It hurts most when it comes to love.

Risk. Every decision has its own risk. Every action has its risks. Risk, risk, risk – ano nga ba ang risk? Eto yung unpredicted outcome ng isang bagay. Marami ang natatakot dito kasi nga, nasa dangerzone ka. You will either loose or you’ll get hurt. You need to have a strong resolve if you’ll take the risk. Then kaduwagan naman ang turing ng iba sa pag-iwas dito. Pero kung ikaw ang tatanungin? Are you willing to take the risk when it comes to love? Lalo na’t you’re filled with uncertainty?

Once, it tried to teach someone to take the risk when it comes to love. I taught it to kuya Keith. He’s three years older than me at kasamahan ko siya sa student council. Una kong nalaman ang problema niya nung naabutan ko siya ng sobrang aga sa council’s office. Actually wala akong ka-ide-idea kung ano ang pinagdadaanan niya. Para kasing out of the blue nakausap o siya. Although nakakausap ko naman talaga siya pero never pa siyang nakapag-share ng problem niya sakin. Nakakatawa pa nga eh. Niyaya niya kasi akong magbreakfast sa canteen.

“Uhm, Amy, may itatanong ako,” biglang tanong niya habang kumakain kami.

            “Ano yun? Basta ‘wag lang Math ha!” biro ko.

            “Don’t worry it’s not academic… uhh, wag nalang. Nakakahiya eh,” This caught my attention. Possible kayang?

            “Ah, let me guess. Babae?” tanong ko.

            “Medyo,” sagot naman niya.

            “Medyo!? Bakla?” balik ko. Malay niyo diba? Kasi nung tinanong ko kung babae ang sagot eh medyo? Pero biro lang yun. Ang awkward kung si bakla magkakagusto si kuya Keith ha! Eh ang gwapo niya pa naman. Sayang ang genes.

            “Nope, hindi bakla. It’s about girls, a girl actually. Pero ‘di naman ganoon ka serious…” ‘Di ko na napigilang matawa. I never thought that papatulan niya yung joke ko. “What? Ba’t ka tumatawa”

            “Wala lang. Ang cute mo kasi ‘pag natataranta. So, ano ang itatanong mo? Or sino?” tanong ko ulit.

“Kilala mo ba si…” he trailed off. Nahihiya pa.

“Sino? Hindi ako manghuhula kuya ha!” biro ko.

“Si… Leane,” sabi niya at namumula talaga siya.

“Si ate Leane? Yung campus crush ng ECE? OMG kuya crush mo?”

“Shhh… ano ka ba? Huwag kang maingay. Baka may makarinig sayo,” saway niya.

Secret JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon