Secret Journal 4

571 20 4
                                    

Love doesn’t hurt… it’s the people who do the hurting. Totoong nasasaktan tayo, nabibigo pag-nagmahal. Pero hindi natin dapat isisi iyon sa love. Love is the purest and most wonderful feeling. Dapat nating tandaan na mistakes are committed not by chance but by choice. Tayo ang gumagawa ng ating pagkakamali. At ang mga pagkakamaling ito ang ugat ng pagkabigo at pighating nadarama natin pag-nagmahal.

My name is Leslie, 19, and living in Alabang, Muntinlupa. Simple lang ako, palakaibigan, masipag mag-aral… ‘yun. The greatest mistake I made was when I played with love. Isa iyong malaking pagkakamali na hindi ko malilimutan. It was when I met Aquarius.

I was alone back then sa room namin, when he entered. Nakaktawa siya. Hindi magkanda-ugaga sa bit-bit niya. Issue daw nila for that term. Dahil ako lang mag-isa, hiningi niya phone number ko. Itetext daw niya ako para malaman if kumpleto na kami ng mga classmates ko. I hesitated pero binigay ko na din. Cute naman siya eh, kaya okey lang.

“Nag-lunch ka na ba?” tanong niya.

Naku! Mukhang dumidiskarte ata to ah. “Hindi pa, bakit?” patanong na sagot ko.

“Uhm… I was just wondering, kung okey lang na… kung pwedeng sumabay sayo,” sagot niya.

Dumidiskarte nga. “Sure, okey lang,” at pumunta kami sa canteen.

“Ako nga pala si…” simula niya.

“Aquarius. Editor ng pub natin. Yeah, I know,” putol ko.

“Ah, lugi. Kilala mo pala ako, tapos ikaw ‘di ko man lang alam pangalan mo, kahit favourite color mo o kung pwede bang manligaw sa’yo,” sabi niya.

“Ha? Ano!?” gulat ko.

“Wala. Haha. Teka, may boyfriend ka na ba? Baka mamaya, niyaya-yaya kita tapos magugulat nalang ako may aabang sa akin sa labas para bugbugin ako. Malas lang niya nagdodorm ako. Hindi siya magtatagumpay. Haha,” sabi niya.

“Paano kung sabihin kong mayroon?” tanong  ko.

“Edi, malungkot. Wala naman akong magagawa eh,’ sagot niya. At feel na feel niya ang lungkot na nakakatawa tingnan.

“Haha… ‘Di, wala akong boyfriend,” sabi ko. Well, technically wala. Actually, I do have a boyfriend pero cool-off kami kasi nalaman ng magulang ko at ayaw nila sa boyfriend kong iyon.

“Talaga!?” nabuhayan siya ng loob. Tumango ako. “Edi, okey lang palang makipag-ka-ibigan sa’yo? Tsaka, mabait naman ako eh, sweet, caring, makulit, tsaka hindi mo parin sinasabi pangalan mo.

“Haha… makulit ka nga. At madaldal. Leslie. My name is Leslie. Teka, ano palang pangalan ang nilagay mo sa phonebook mo noong hiningi mo number ko?” sabi ko.

Dahil sa kakulitan niya, madali kaming nagkapalagayan ng loob. Acquaintance party came. Kasali sila sa battle of the bands. Nagulat at nabigla ako when in the middle of their performance, pinaakyat niya ako sa stage. Sa harap ng maraming tao, he confessed his feelings for me. I was cornered. Ayoko namang ipahiya siya, so I said yes. Inisip ko nalang, hindi naman siguro masama. Makikipagbreak nalang siguro ako after a week or two.

The next day, tinext ako ng “ex-bf” ko. Nakikipagbalikan siya sa akin. Tinanong niya ako kung mahal ko pa siya. Sabi ko, may boyfriend na ako pero makikipagbreak ako kung gusto talaga niyang magbalikan kami. Sabi niya, huwag daw akong makipagbreak pero magiging kami. Pwede raw naming gamiting front si Rius para di kami hadlangan ng mga magulang ko. I agreed with him. Kung ito lang ang tanging paraan para makasama ko ulit siya.

Mabait si Aquarius. Lahat ng hingin ko, binigigay niya. Sweet siya, caring at ramdam ko na mahal na mahal niya ako. He even turned down the overseas offer niya sa isang company when I asked him. Ang sabi ko kasi sa kanya, hindi ko kayang malayo siya. Pero ang totoo, mawawalan ako ng dahilan para makasama ang isang boyfriend ko. I asked him na doon nalang siya sa company na papasukan ko – kahit na alam kong wala ng slot for OJT doon. Nabigla ako noong ginawa niya iyon at medyo nakonsensya ako, pero tuloy parin. Andoon na eh.

Secret JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon