Sometimes, your only option is to let your heart take control. I guess patunay dito ay ang umiibig tayo sa taong hindi nating inaasahang iibigin natin. Minsan, kahit gaano mo kaiwas-iwasan ang isang tao, mahuhuli niya parin ang puso mo. Minsan, sa mga pagkakataong iyon, nasasaktan tayo at pinipili nating mag-move on – minsan magtatagumpay, pero kadalasan hindi. At minsan, mas masarap paring hayaaan ang puso natin diba?
Ako si Kathiryn, Kathi for short. 20 na ako at working na… and I live in Sucat, Parañaque. Uhm, simple lang naman ako, hindi gaanong maarte pero rock! Naniniwala ako sa phrase na sometimes, your only option is to let your heart take control. On that case, nakakarelate si Aquarius.
Actually, kilala ko na si Aquarius way back in college. I was a year ahead him at iisa lang kami ng course. Pero, all the usual cases, we’re not close. Nagkamabutihan kami noong nag-OJT siya sa company namin. Makulit siya, mabait.
“Oh, Kathi,” tawag ng bisor ko.
“Bakit sir? Sila na ba?” tanong ko nang mapansin ang mga kasama niya.
“Oo. Eto sayo oh, si Valentine Boy. Galing din sa school mo. Sige, kaw na bahala dito,” sabi niya sabay iwan kay Aquarius sa akin.
“Hi ate ganda! Dito ka pala nagtatrabaho?” tanong niya.
“Ano ulit ‘yun?” sagot ko.
“Sabi ko, dito ka pala nagtatrabaho,” ulit niya.
“Hindi ‘yan. ‘Yung nauna mo pang sinabi,” sabi ko.
“Ay, wala nang ulitan. Nasabi ko na eh,” balik niya.
“Ah, ganoon!? Sige, papahirapan kita,” biro ko.
“Wala namang ganyanan. Saying naman ganda at bait mo kung gagawin mo ‘yun,” aniya.
“Naku, bolero ka ha,” sagot ko.
Sa unang araw niya sa work, mabilis kaming nagkasundo. Siguro dahil sa ka-cute-an este, kakulitan niya. We started getting close. Until, kinuwento niya sa akin ‘yung about sa girlfriend niya. I was shocked nang malaman ko kung sino ang girlfriend niya. What he didn’t know was mayroon akong alam tungkol sa kanilang dalawa na lingid sa kaalaman niya.
May bestfriend ako, si Eli. Si Eli ang secret boyfriend ng girlfriend niyang si Leslie. Hindi naman talaga masasamang tao sina Eli at Leslie. Naging saksi ako sa pag-iibigan nilang dalawa. Lubha lang talagang mapaglaro ang tadhana. Tutol ang mga magulang ni Leslie sa relationship nilang dalawa. Palibhasa highschool graduate lang si Eli. Then Aquarius came in the picture at nagkaroon ng paraan para maikubli nila ang relasyon nila.
I tried getting closer with Aquarius to spy him. Ako ang taga signal nina Leslie at Eli about sa schedule ni Aquarius. One day, naka- receive ako ng tawag mula kay Eli. Umiiyak.
“Bes, nakikipagbreak na sakin si Leslie,” sabi niya.
“Ha!? Bakit? Anong nangyari?” tanong ko.
“Dahil ‘to lahat sa lintik na Aquarius na ‘yan. Iiwan na ako ni Leslie para sa kanya. Bes, ‘di ko ‘yun kakayanin. Hindi na daw niya ako mahal. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal diba? Lahat-lahat gagawin ko,” sabi niya.
“Anong gagawin mo ngayon? Mag-mo-move on ka na?” tanong ko.
“Move on? Bes, all my life siya lang ang minahal ko. Paano ako makakapag-move on? Bes. May plano ako. Pero kakailanganin ko ang tulong mo. Bes, tulungan mo naman ako oh,” sabi niya.
Sinabi niya sa akin ang plano niya. Hindi tama, pero pumayag ako sa plano niya. Kawawa naman kasi ang bestfriend ko. Pagkatapos naming mag-usap, naka-receive ako ng text from an unknown number. Si Aquarius pala. Nagpalit siya ng sim. Tinawagan ko siya.
BINABASA MO ANG
Secret Journal
Teen FictionLove? Ano nga ba 'yun? Isang palabas na puno ng corny episodes? Isang mundo na puro mixed emotions ang umiiral? Isang akda na kung saan puro baliw ang mga tauhan? Eh sila kaya? Ano ba para sa kanila ang love? Edi tanungin para malaman. :D SJ7 - Arde...