Love is one-sided – always. Bakit? Kasi, hindi mo naman minamahal ang isang tao dahil mahal ka nito. Mahal mo ang isang tao dahil ‘yun ang sabi ng puso mo. Even in a relationship, love is still one-sided. Kaya nga may mga martyr sa pag-ibig eh. At ang relationship doesn’t prosper because both love each other. It prospers because both know how to handle the situation. Relationship is about meeting each other half-way – and half-way does not specifically mean love.
Hi. Ako nga pala si Kieth, 22. Living in Makati. I’m taking up an Engineering course, and a student representative sa school government. Others knew me as the love guru. Kung sabagay, marami-rami na rin ang nanghingi at nabigyan ko ng advice tungkol sa buhay pag-ibig. Kung saan ko nahuhugot ang wisdom ko, hindi ko rin alam. Actually, there comes a situation na ako naman ang nangailangan ng advice about love. Buti nalang, Amethyst is always there to help me out. Amy, as I fondly call her, is cute at talagang sweet. Mas bata siya sa akin, and I haven’t thought I had to rely on her.
It was that time when I fall in-love with a girl. Kahit na magaling ako mag advice ng love problems, nobody knew na torpe ako. At dahil hindi ko alam ang gagawin, nag-eemo ako dun sa office ng council namin. Then suddenly…
“Uy, kuya, good morning! Aga natin ah,” bati ni Amethyst.
“Morning! Anong bago? Lagi naman akong maaga eh. Teka, wala kayong pasok?” tanong ko.
“Meron, pero wala ‘yung mga Prof namin. Swerte nga eh. It’s a whole day off,” sagot niya.
“Ah, ganoon ba. Kumain ka na? tara kain tayo,” paanyaya ko.
“Sige, hindi pa rin ako nag be-breakfast eh,” sagot niya.
Then pumunta kami sa canteen. While we are eating, I gathered the courage to ask her.
“Uhm, Amy, may itatanong ako,” sabi ko.
“Ano yun? Basta ‘wag lang Math ha!” biro niya.
“Don’t worry it’s not academic… uhh, wag nalang. Nakakahiya eh,” sagot ko.
“Ah, let me guess. Babae?” tanong niya.
“Medyo,” sagot ko.
“Medyo!? Bakla?” tanong niya, at nasamid ako sa kinakain ko.
“Nope, hindi bakla. It’s about girls, a girl actually. Pero ‘di naman ganoon ka serious…” at napansin ko siyang tumatawa. “What? Ba’t ka tumatawa?”
“Wala lang. Ang cute mo kasi ‘pag natataranta. So, ano ang itatanong mo? Or sino?” tanong niya.
So, ikinuwento ko ang problem ko. I told her all about the girl na sinisinta ng buhay ko. I told her everything. Mula sa first day that I met the girl, how I loved that girl from afar, kung bakit hindi ko masabi-sabi sa babaeng iyon na “mahal na mahal ko siya.” Sinabi ko lahat lahat. Wala akong inilihim sa kanya.
“Alam mo kuya Kieth, ang babae, kailangan lang ‘yan suyuin. ‘Diba kuya magaling kang magbigay ng advice? ‘Bat hindi mo gamitin ang mga advises mo diyan sa sarili mong problema?” mungkahi niya.
“Ang hirap kasi eh. Oo, magaling nga ako magbigay ng advice pero alam mo ‘yun? When it comes sa sarili ko, parang ang hirap,” depensa ko.
“Kuya,” wika niya.
“Ano?” tanong ko.
“Torpe ka ano?” tanong niya.
“Halata ba?” Hindi ko na itinanggi.
“Yan tayo eh. Alam mo kuya, there’s no reason para maging torpe ka. Matalino ka, mabait, gwapo, marami ngang nag kaka crush sayo eh,” sambit niya.
“Talaga? Totoo?” tanong ko.
At ako ay naniwala sa kanyang mga pampalubag loob. At dahil wala akong lakas ng loob para ipagtapat sa babaeng napupusuan ko ang nadarama ko, nagpatulong ako kay Amethyst. We practiced on how and what approach ang gagawin ko para ipadama sa mahal ko ang nilalaman ng puso ko.
“Eto kuya. Mamaya you must approach her na. It’s now or never. Sige, practice tayo,” sambit niya.
“Ehem, ok. Here we go… ‘Uhm, hi! Ako nga pala si Kieth. I like you…’.”
“Hoy! Adik ka kuya? Biglaaan? Pagkatapos magpakilala mag a-i-like-you ka kaagad? Ulit!” utos niya.
“Okay. Game. ‘Hi! I’m Kieth. Actually I’ve noticed you for a long time. This is uneasy for me pero, I like you. And I’m wondering if you would allow me to court you?’ pwede na ba yun?” pangungumpirma ko.
“Haay nako! Kuya ang baduy. Try mo kayang maging isang normal na nilalang?” sabi niya.
With Amy’s help, naipagtapat ko ang pag-ibig ko. Si Amy ang naging sandigan sa panliligaw ko. She help me with the gifts, and other strategies para sagutin ako ng nililigawan ko. It took me almost two months bago ko natanggap ang oong minimithi ko. Noong nagka-girlfriend na ako, naging madalang nalang ang pag-uusap namin ni Amy. Siyempre, may girlfriend na ako eh. Mas focused na ako doon. Hindi ko alam kung bakit, pero parang distant ‘yung girlfriend ko. It was cleared all to me when four days palang naging kami, she confessed that she is in-love with another guy. The funny thing is, I didn’t felt sad. Actually, parang okay lang sa akin that the two of us would break-up. At dahil di ko maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko, I went to the council office para mag-chill.
“Kung ako nalang sana ang iyong minahal,
‘Di ka na muling mag-iisa,
Kung ako nalang sana ang iyong minahal,
‘Di ka na muling luluha pa,
‘Di ka na mangangailangan pang,
Humanap ng iba~
Narito ang puso ko,
Naghihintay lamang sayo~
Kung ako nalang sana…”
“Wow ang ganda naman ng boses mo,” bati ko kay Amy.
“Ah, kuya, andiyan ka pala. Narinig mo akong kumakanta?” tanong niya.
“Hindi. Kaya ko nga sinabing maganda boses mo diba?” pambabara ko.
“Sorry naman, pwede namang mag-sorry diba?” tugon niya.
“Eto naman, masyadong sineryoso. Amy…” sabi ko.
“Bakit?” tanong niya.
“Pangit ba ako?” tanong ko.
“Ha!?” nagulat siya. “Hindi naman, bakit kuya?”
“May magkakagusto kaya sa akin?”
“Mayroon naman siguro kuya. Bakit? Anong mayroon?”
“Wala naman. Eh ikaw? Is there a chance na magkagusto ka sakin?”
“H-ha?” nabigla siya.
“Cause I like like you. I’ve been thinking about this for the whole time. Now I understand bakit parang di ako masaya kahit sinagot na niya ako. I realized, ikaw pala ang gusto ko. I never knew when this started pero… ‘yun talaga ang nadarama ko eh. I missed all the days na magkasama tayo. I realized that I’m happier being with you,” pagtatapat ko.
“Ah…” napanganga siya sa gulat.
“Don’t worry, I’m not asking you to return my feelings. I’m only asking to let me love you."
BINABASA MO ANG
Secret Journal
Teen FictionLove? Ano nga ba 'yun? Isang palabas na puno ng corny episodes? Isang mundo na puro mixed emotions ang umiiral? Isang akda na kung saan puro baliw ang mga tauhan? Eh sila kaya? Ano ba para sa kanila ang love? Edi tanungin para malaman. :D SJ7 - Arde...