GROUP CHAT 6

19 2 1
                                    

Sabado ngayon kaya naisipan ko munang maglakad-lakad Bahala na kung  saan man ako mapadpad.  Sa layo ng nilakad ko hindi ko lang man naramdaman ang gutom . Namanhid din yong mga paa ko kaya naisipan ko munang umupo dito sa park.

Pinagmamasdan ko yong mga batang naglalaro , masaya  silang nakikihalubilo sa ibang bata.  Napangiti na  lang ako  at napatanong sa sarili ko.  Naranasan ko kaya to?  Kasi kahit anong  pilit  ko walang childhood  memories akong  maalala.

Ang sarap ng simoy ng hangin  para bang sa sandaling ito  nalimutan ko yong  mga  problema  na bumabagabag sakin. I closed my eyes and let myself feel the essence of the surrounding.  I feel comfortable  and recharge dahil sa atmosphere  dito.  Feeling ko this is my home?  I guess.

Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla akong  nakaramdam ng hilo  at pananakit. 

Malabo....

Sobrang  labo.. 

Hindi ko mamukhaan yong tatlong batang naglalaro sa isang park dahil sa sobrang labo nila sa paningin ko. 

Naglalaro yong dalawang batang babae maya-maya'y biglang tinapon nong isang bata ang laruan nong kalaro niyang bata. Umiyak naman yong bata dahil sinira yong laruan niya. Hindi Ito matigil kakaiyakNaaawa  tuloy ako sa bata kaya nilapitan ko ito.  Bakit Hindi  ko man lang masilayan  ng malinaw ang kanyang mukha. Malabo na  ba mga mata  ko?  Kinusot ko ang dalawang mata ko nagbabakasakali na luminaw yong paningin ko pero taena.! Walang epekto.

Hindi parin  mapawi  ang iyak nong batang babae.  Habang yong nang-away naman ay  masayang  nakikipaglaro sa kapwa bata.

"Napakasalbahing bata" bulong ko sa sarili ko. 

Agad  namang  may lumapit na batang lalaki at may hawak itong cotton candy.  Nang makita niyang umiiyak yong batang babae agad itong napatakbo at pinunasan ang mata nong bata. 

"Ang sweet naman" I giggled while watching them hugging  each other. 

"What happened val?  Why are you crying? " Tanong nong batang lalaki sa batang babae

"Wow!  Engliserong bata". Commento  ko.

"A-te van t-torn and throw my t-toy". She's  so cute while  sobbing. 

So,  ate niya pala  yong salbahing bata.  Kawawa  kana man little girl. 

"Shhhh...  Stop  crying val". He's comforting this little girl  sabay abot  ng cotton candy. 

"H-how about my t-toy?  M-mommy will get mad if she know . That was her gift".

Waaaaah!!  She's  so cute . Pinapahalagahan niya yong mga bagay na bigay sa kanya.  How to be such a cute little girl. 

"Tita won't  get mad , she love you . She'll  understand if you tell her that van torn it".

Kalokang mga bata to ang lakas maka  English.  Feeling ko dudugo yong ilong  ko. 

"No ! I won't  tell the truth . Dad will get mad to ate van and I don't  want that to happen".
Aww!  You're  not just cute at the same time you're  so caring and protective to your ate van.  How sweet you are little girl.
Parang baliw na ako dito kaka comment sa kanilang dalawa

"When you'll  prioritize yourself?"

"Until someone  didn't  hurt because  of me.". Malungkot na saad nito

"Learn to be selfish sometimes val".

Teka lang,  VAL?  Val name nong batang babae?. Hindi kaya ako yong batang yon?.  Impossible  naman ata  English  speaking yong bata eh.  Ako nga nong elementary nahirapan mag English  kahit Grade 5 na ako nong nagstart ng klase. 

Oo tama kayo ng nabasa.  Grade 5 na ako noon nang  magstart ako mag-aral binase kase ni  mama Ellen yong age ko sa grade na dapat kong pasukan.  Hindi ko alam  pero yon lang naman alam ko.  Hindi ko matandaan kung nakapag kinder ba ako.

Ang kwento lang sakin ni mama Ellen nakita  lang nila ako sa isang kotse na nabangga, ako lang daw  mag-isa kaya dinala  agad nila ako sa hospital.  Naka  I.D raw ako nong araw na yon kaya alam nila yong name ko.  Apat na buwan akong nagtagal sa hospital dahil sa mga injury na nakuha ko sa aksidenti.  Yon lang ang kwento ni mama Ellen sakin hindi na ako  nagtanong pa kasi bakit pa ako magtatanong kung tutuusin hindi na dapat kasi ayon sa kwento ako lang mag-isa ang nasa  loob.  Iniwan akong nag-aagaw buhay sa kotsing iyon.  Magpasalamat na lang ako dahil mayrong anghel na tulad ni mama Ellen na tumulong sakin. 

Hindi ko alam kasi sa tuwing naaalala ko yong kwentong yon napapaiyak na lang ako.  Hindi siguro ako mahal ng magulang ko kaya iniwan nila akong nag-aagaw buhay sa kotsing yon. 

Hindi mo na ba talaga ako naaalala Val?

Napamulat ako dahil sa boses  na sumagi sa isipan ko.  Kilala ko ba ang lalaking yon?. Sa buong buhay ko si  ken  lang yong kasa -kasama ko.  Val?  Nickname ko yon bakit niya alam.  My amnesia ba ako bakit pakiramdam ko my kulang sakin?  Pakiramdam ko hindi ako buo.  Sino nga ba ako?  Ano yong totoo  kong  pagkatao?  Sino  ang totoo  kung  mga  magulang?  May  kapatid kaya ako?. 

Marami akong katanungin sa isipan ko na pilit kong  binabaliwala dahil sa pangyayaring nagdulot ng sakit dito sa puso ko. 

Bakit ko pa hahanapin ang totoo kung mga magulang dahil kung tutuusin iniwan nila akong nag-aagaw buhay . Hinayaan nila akong mag-isa ni  hindi lang man nila ako hinanap.

Kahit sobrang lungkot ng nangyari saakin hindi ko makuhang sumbatan yong mga taong nagbigay buhay saakin.  Kahit pakiramdam ko wala akong kwenta.

I never questions  God about what happened  to me.  Dahil naniniwala akong Everything  you have is a gift from God.

And I have no right to complain because  that's  a gift.  A gift that you should thank even though  it give you pain.

Group ChatWhere stories live. Discover now