Mabilis lumipas ang araw nang hindi ko man lang makuhang mag online at basahin yong mga chats nila sa Gc. Siguro natatakot ako sa pweding mangyari pag nag online ako. Hindi ko kayang pumatay at lalong hindi ko gustong mamatay. Ano ba itong pinasukan ko. F*ck this curiosity of mine bakit ka pa kasi gumana. Bwesit kasi, ito ba yong sakit ng mga matatalino? Yong tipong lahat ng bagay gustong malamian.
Nandito ako ngayon sa waiting area hinihintay ko si Ken. Ang tagal naman ng kutong lupa mag aala-singko na ng gabi at kaninang 4:30 pa ko naghihintay dito. Naglalaro lang ako sa cellphone ko ng Zombie tsunami ito kasi yong pampalipas oras ko sa tuwing bore ako.
Natapos ko na ang laro pero wala paring Ken na dumating. Mabilis akong naglakad papasok ng campus susunduin ko na yong tukmol. Hawak ko yong cp ko habang naglalakad dahil nagtetext ako kay ken. Hindi ko pa natapos yong dapat kong etext kay ken ng makaramdam ako ng tao na sumusunod sa likuran ko. Tumigil ako sa paglalakad at dahan-dahang tumalikod pero wala akong nakitang tao sa likod. Natatakot na ako sa mga oras nato pero tuloy-tuloy parin yong lakad ko. Natigil ako sa paglalakad ng navibrate yong cp ko.
From: Unknown number
Faster.
Nilibot ko yong paningin ko nagbabakasaling makita ko siya.
Lakad tingin sa likod ang ginagawa ko. Nang mapagtanto ko na malapit na ako sa building nila Ken tumakbo na ako habang tumitingin sa likuran ko. Mabilis ang pagtakbo ko, feeling ko hinahabol ako ni kamatayan. Nanginginig ang buo kong pagkatao ng may nabangga ako. Pinikit ko yong mata ko ayokong makakita ng multo kung sakaling multo tong nabangga ko. Ito na ba yong katapusan ko? Ubos na ba yong kandila ko dyan panginoon kaya papatayin na ako ngayon?!"Oy, oh! Chay, kalma lang anong nangyari?" Nagising yong diwa ko ng nagsalita si ken habang niyuyogyog yong balikat ko.
Napalunok ako dahil sa kaba at hiya dahil marami silang nakatingin saakin. Tango na lang ang naisagot ko.
"Are you sure, you okay?" Kanina pa to sa mga tanong niya eh.
"Ilang beses ba dapat sabawan yong buto?" I asked him. Napaisip naman ito parang tanga lang. Pinag-iisipan pa ba yon.
"Syempre kaisa lang dapat" proud nitong sabi. Oh tignan niyo ang hangin.
"Eh yon naman pala, Dapat once kalang magtanong saakin. Okay na nga ako"
"Bakit buto kaba? Kung sabagay sa payat mong yan" nkalimutan kong slow pala tong tukmol na to.
"Nakalimutan kong slow ka ken."
"Wow nahiya naman ako sa dean's lister"
"Dapat lang no" I chuckled.
"Buti nalang bestfriend kita, paturo ako sa statistic ha" Sabi nito sabay akbay sakin at gulo ng buhok ko.
"Oo ba. Basta don na ako matulog ha?" I smiled and give him my puppy eyes.
"Matatanggihan ko pa ba yang mukhang yan?" He said then niyakap ako. Kung may makakita man saamin ngayon siguro iisipin nilang mag on kami. Pero bestfriend ko lang talaga ang tukmol nato.
"Sobrang ganda ko ba kaya di mo matanggihan?" I teased him.
"Masuka ka nga sa sinasabi mo"
"I'll vomit when you call me ugly" I smirked.
"HAHAHA oh natahimik ka dyan ken?" I laughing hard. Priceless kasi yong mukha niya.
"Ayoko lang mabugbog ulit no?! Remember nong sinabihan kita niyan?" I feel guilty looking at his face. Natrauma siguro sakin to.
"Sorry. Hindi ko naman sinasadya yon"
"Wow ha. Di sinadya? Sinakyan mo ko pinagpapalo, sinusuntok, sinasabutan chay naman sinadya mo yon." Parang bata nitong saad. Gusto niyang mapaamin ako na sinadya ko yon.
"Oo na. Hindi naman kasi ako pangit eh. Admit it" nagpacute pa ako.
"Ikaw talaga. Sanay na ako sa pagka self'proclaimed mo." Sabay gulo sa buhok ko.
"Well that's me from the very start". Proud kong sabi dito.
Inakbayan ko na siya. Magkasing tangkad lang naman kami ni Ken. Iginaya niya ko sa daan patungong bahay.
" Si mama nasa bahay ba?" I asked him while we're walking.
"Oo miss kana nga ni mama eh. Alam mo naman simula ng maampon ka ni mama mas mahal ka niya keysa saakin". Paawa effect pa ang kumag.
"Hindi totoo yan ken mahal ka ni mama kasi ikaw yong tunay na anak"
"Joke lang ito naman dinibdib mo talaga Hahaha wala ka namang dibdib" pinisil niya pisngi ko sabay takbo. Aba! Seryoso ako tapos joke lang pala sinabi niya.
"Humanda ka sakin pagmaabutan kitang tukmol ka." I shouted sabay takbo.
Takbo lang ng takbo ginagawa ko habang hinahabol si tukmol. Ilang sandali pa tumigil muna ako, nakakapagod tumakbo. Umopo muna ako malapit sa eskinita hinahabol ko yong hininga ko. Tahimik akong nagpapahinga habang iniisip kung baka nakarating na si Ken sa bahay. Ilang sandali pa nakarinig ako ng ungol. Palinga-linga ako sa paligid. Palapit ng palapit yong ungol habang tinatahak ko yong eskinita.
Mabigat yong bawat hakbang ko papasok ng eskinita. Malapit ko nang maabot ang bukana nito. Sobrang dilim ng paligid, Sino naman kayang tao ang pupunta dito. Siguro guni-guni ko lang yong narinig ko. Tumalikod na ako para lisanin yong eskinitang iyon ng may biglang humigit saakin at tinakpan yong bibig ko.
"Hmmmmm--mmm" hindi ako makapagsalita dahil tinatakpan nito ang bunganga ko.
"Ssshh w-wag ka-kang maingay" nanghihina nitong saad.
Nawala yong takot at kaba ko sa salita nito.
"Hmm--mmmm-mm" Pilit kong salita pero di parin maintindihan. Kinalas niya naman yong kamay niya sa baba ko. Tinignan ko kung sino tong lalaking to."Aa--mmmmmmmmm" napasigaw ako sa sobrang takot sa mukha at kalagayan niya. Kaya pala nanghihina ito.
"W-wag k-kang matakot ch-chay" namilog yong mata ko nang binanggit niya ang pangalan ko.
"S-sino ka ba-bakit mo ako kilala?" Nanginginig yong mga kamay ko pati bibig ko. Kinakabahan ako.
"M-mag iingat ka pa-palagi" alam kong nahihirapan siya magsalita pero pilit ko siyang niyogyog para sagutin yong katanungan ko.
"Sinong may gawa saiyo nito? Bakit ako mag-iingat" kinakabahan ako. Natatakot baka nandito lang sa paligid ang may gawa nito sa kanya.
"N-nasa paligid lang siya chaaay" Naguguluhan na ako di ko siya maintindihan. Hindi ko naman siya kilala pero bakit kilala niya ako. Bakit ako mag-iingat? Sinong siya?. I'm so confused and perplexed.
"Sagutin mo ako. S-sinong siya ang tinutukoy mo?" Naguguluhan kong tanong dito. Alam kong nahihirapan na siya pero kailangan niyang sagutin ang mga katanungan ko.
"P-papata-yin ka niya" I'm trembling damn!!!
"B-bakit niya ako papatayin? Anong k-kasalanan ko?" Hindi ko na mapigilang maiyak dahil sa mga narinig ko sa kanya. May nagawa ba akong mali?. Bakit ako papatayin.
Niyogyog ko ito ng niyogyog, gusto kong sabihin niya kung sinong siya ang papatay saakin. Kung bakit niya ako papatayin katulad ng ginawa niya dito kay kuyang mamamatay na.
"G-group cha--at" rinig ko sa pabulong at nanghihina nitong salita.
YOU ARE READING
Group Chat
Mystery / Thriller"You want to join our GOUP CHAT?" "Sure, count me in" A girl that very attentive to her studies and also known as a dean's lister were curious about "GROUP CHAT" And when Chyrie Valkyer Ferrer were curious about the things, she'll do everything in...