Binalikan ko yung mga previous chats natin sa messenger ko, Eto yung time na hindi ko pa alam na lalaki ka pala.
Dati, Tinanong kita kung saan ka nakatira. Sabi mo sa '143 St. (insert my name here) Village.' Natawa nalang ako dahil dun.
Tinanong mo ako kung bakit gusto ko malaman. Sabi ko 'ii-stalk kita'
'Ilang taon ka na?' Tinanong uli kita at sabi mo 15 ka. Sabi ko rin 15 na rin ako. Pagkatapos nun, sabi mo sakin 'baka ikaw yung my destiny ko ahahaha' Natawa nalang ako dahil dun. yun kasi yung mga panahon na hindi ko alam na ganun ka pala ka-gwapo.
'Masaya ka ano?' Tanong mo sakin. Sabi ko naman 'Ay hindi ba obvious? :D' Simula noon, napapatawa mo na ako.
'Kasi kausap mo yung crush mo?' Dati, parang balewala lang yung mga messages natin sa isa't isa pero ngayon kapag binabalikan ko yung mga conversation natin kinikilig ako.
'Wow naman' Yan ang sinagot ko nung sinabi mong kase kausap ko yung crush ko. Dapat pala 'OO' yung sinagot ko kung nalaman ko lang agad na lalaki ka at napaka-gwapo mo pa.
BINABASA MO ANG
Dear FB Crush
RomanceDear FB Crush, Hindi ko to masabi sa'yo, pero 'Gustong-gusto talaga kita'. I dedicated this book to you and i hope mabasa mo. Mahal kita Drake, Mahal na Mahal♥