Free FB

78 2 0
                                    

One week na akong hindi nag-oonline. Namiss ko tuloy yung group chat natin at syempre ikaw.

Naalala ko, May Free FB nga pala kaya nakapag-online ulit ako. Nasa school ako nung nag-fb ako. Tiningnan ko yung mga messages at friend requests.

Nagulat nalang ako nung may nakita akong 'Drake XD' sa friend requests ko. At yung picture, ang gwapo talaga.

Sabi ko dun sa friend ko, "Tingnan mo oh! Si Drake!' Napa-sigaw ako nung sinabi ko yun. buti nalang wala pa kaming teacher nun.

Tiningnan nya yung picture, 'Ang gwapo grabe!' Napa-sigaw din siya. Kaya pinagtinginan kami.

Sobra ang kilig ko nung nakita ko yung pangalan mo. Kaya inaccept ko agad.

Madaming nag-aadd sakin pero ikaw lang yung inaccept ko. Pagkatapos nun, Dumating na yung teacher namin.

Nung nag-tuturo na siya, hindi na ako makapag-concentrate kasi naiisip kita.

Hindi ka na maalis sa isip ko.

Dear FB CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon