First time

87 2 0
                                    

Crush, Salamat nga pala dahil inadd mo ko dun sa group chat na yun. Kahit di ko alam kung bakit ako pa. Pero masaya ako aaminin ko.

Medyo close na kami sa'yo dahil sa gc na yun at close na rin kami sa isa't isa kahit nung una di ko sila kilala pero ngayon friends na kami.

Hindi ko alam kung sino pasimuno pero nag-popost sila ng selfies nila nung hindi ka pa online.

Nung nag-post sila, ang gaganda nila. Na-insecure tuloy ako. Hindi kasi ako nagagandahan sa sarili ko.

After that, nag-comment yung isa. Ako naman daw ang mag-post ng selfie ko. Edi pumayag naman ako baka kasi pag hindi ako pumayag baka sabihan nila ako na ang kj ko naman.

Edi naghanap ako ng picture ko, hindi kasi ako mahilig mag-selfie kaya nakahanap agad ako ng isa kong picture.

Inedit ko muna, nilagyan ko nung takip sa bibig kasi ayokong ipakita yung buo kong mukha. Pagkatapos nun, pinost ko agad sa gc.

Kung kailan ko pinost saka ka pa nag-online. Edi syempre nakita mo yung selfie ko. Nag-comment yung isa, ang ganda daw ng eyes ko. Yung iba sabi 'Beautiful' And then nag-comment ka, 'you're pretty :)'

Grabe kinilig talaga ako.

After that, nag-goodnight na ako sainyo. Kaya nag-goodnight ka rin sakin. Pagkatapos nun hindi na ako makatulog kasi hindi ko makalimutan yung sinabi mo sakin.

'You're pretty :)' 'You're pretty :)' Paulit-ulit kong naiisip yung sinabi mo. Hindi ako makapaniwala maski titigan ko yung nag-post nun, ikaw yun at pangalan mo ang nakalagay.

Fb Crush, Crush na talaga kita ...

Dear FB CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon