Chapter 20: Time spent with her

10.7K 131 1
                                    

*ding dong

"Hala Sir ba't basang basa po kayo???"

"Binigay ko dun sa babae kanina, baka kasi magkasakit"

"Baka kayo ang magkasakit niyan Sir"

"Hahahaha, ok lang ate. Akyat na muna po ako."

"Sige po, nakahanda na rin po ang pagkain sa mesa."

"Sige po ate" matapos kong magbihis kumain na ako then umakyat na ako papuntang kwarto.

Ano kayang problema mo? Bat ang lungkot ng mga mata mo?

"Sir... Sir..."

"Hmm"

"Bangon na po, malalate na po kayo sa school."

"Hmmm"

"May bisita din po kayo sa baba."

"Bisita?"

"Opo."

"Sino daw?"

"Sandra daw po pangalan?"

"Huh!!!"

"Bakit po?"

"Bat siya nandito?"

"Di ko po alam"

"Sige ate ligo lang po ako then bababa na"

"Sige Sir."

Wala man siguro akong 5 minutes sa cr grabe. Parang may nainom akong isang litrong energy drink. Hahaha. Mabilis akong bumaba pero di naman halatang excited syempre. Baka ano pa isipin niya.

"Sandra?" Syempre kunwari di excited.

"Ahh goodmorning, pumunta lang ako dito para ibalik to." Hayys akala ko naman ano na...

"Ah ok. Paano mo pala nalaman na dito ako nakatira?"

"Ibabalik ko sana tong payong kagabi ng sinundan kita. Kaya nalaman ko na dito ka nakatira." Obvious ba Ken!! Syempre same village nga kayo diba? Tanga lang.

"Ahh. Salamat sa paghatid."

"Thank you din. Mauna nako."

"Kumain ka na ba?" Huwag ka munang umalis please...

"Ah oo bago ako pumunta dito. Sige mauna nako!"

"Sige"

Kainis naman! Kala ko makakausap ko na siya ng matagal. Balak ko sanang sabihin sa kanya na ako yung kababata niya pero natatakot ako na baka layuan niya ako.

Alam ko kasalanan ko pero di naman ako ang nagdesisyon non eh. But Its my fault for making her sad. I hope nakalimutan na niya yung dating ako.

Dumaretso na ko sa school after kumain. Same routine na naman. I'm tired with this role of my life. At alam ko kayo din na nag aaral diyan. Minsan nakakasawang mag aral pero nakakamiss pag nagtatrabaho na. Hayy buhay nga naman.

"Hey bro!"

"Anyare??"

"Wala bro. Bad dreams lang."

"Panigurado bro babae yan. Hahaha"

Nanahimik nalang ako. Hinintay nalang namin yung prof na dumating wala ako sa mood makipag usap.










SANDRA POV

"Ken!!!"

"Ken!!!!" Di ako marinig sa sobrang lakas ng ulan. Baka ako pa sisihin nito pag nagkasakit siya kaya hinabol ko siya hanggang sa umabot kami sa bahay nila. Huh? Same village lang kami?

You left, Remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon