** CHAPTER 3 **

89 2 1
                                    

Nilalakad ko lang pauwi sa amin.

Maaga pa naman kaya ok lang maglakad.

Malapit na ako sa bahay nang ...

May nakita akong parang pamilyar sa akin. Bumaba sya galing sa isang black porsche sa bahay na katapat namin.

si...si....si... MIKAEL.

Anu ba 'to.

Napatigil naman ako dun.

Shet lang ang gwapo talaga!

Okay pwede na akong umuwi nakasimoy na.

Pero bakit ganon I was stuck where I was standing at hindi maalis yung tingin ko na parang sinasabi na rin ng katawan ko na aalis lang ako sa kinatatyuan ko pag alam kong nakapasok na sya sa malapalasyong bahay nila?!

GUDNESS! baliw ka na Chichii.

"HOY! Anung tinatayo mo pa dyan? kadiri ka. Jaw dropping na may kasama pang laway ang drama mo dyan!"

Tokneneng! si Kuya Kiel bigla bigla na alang sumusulpot sa likod ko. Aatakihin na nga ako sa puso sa nakita ko kanina dadagdagan pa nito.

"Sama mo Kuya. Wala kang paki. Gaya ka."

"Ba't naman ako gagaya sayo? Mapagkamalan pa akong timang dyan. Knowing na nakita ka pa ni Zane habang nagpapantasya ka dyan?"

WHAT THE --?

"Weh? di nga? Nakita niya ako nakatingin sa kanya? Seriously?"

NAKAKAHIYA!!!

Please lamang lupa dalhin mo na ako sa kaharian mo. Kainin mo na ako. Now na.

"Joke lang. Umamin ka naman agad na nakatingin ka nga sa kanya at pinagpapantasyahan mo nga sya..Halika na nga pumasok ka na. At abot na dito kabahuan mo.Maligo ka na."

"Waw lang ah! Grabe ka kuya ah. Parang hindi kita kapatid ah."

Grabe talaga tong kuya ko na to. Pero ganyan kami magmahalan niyan. Lambingan namin ganun.

Binaba ko na agad yung bag ko tapos naghubad na rin ng sapatos. Umakyat na rin ako sa kwarto ko.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" habang yakap yakap ko yung unan ko.

GAAHHHD ! Pwede na ba ako kiligin talaga? Panaginip ba yung announcement kanina?

"Hoy Claudette bakit ka nasigaw dyan?" -- si Kuya

"Hahah. Wala." sigaw ko pabalik sa kanya. Andun kasi sya sa kusina at ako nandito sa taas, sa kwarto ko. sumilip ako sa bintana sa tabi ng kama ko. tanaw ko kasi dun bahay nila Mikael.

2 weeks. 2 weeks ko syang makakasama. hindi ko ma-imagine. ako? kasama ng nag-iisang Zane Mikael Monteverde.. GALIWAW...  

kung panaginip to, pwede extend? wag niyo muna ako gisingin please lang.

Matapos ang agenda ko sa fantasy world ko, naligo na ako. tapos bumaba na kasi naihanda na ni kuya hapunan namin. Maaga sya nagluto kasi may work pa siya. Nagpa-part time job si kuya sa isang company plus nagiging okay takbo ng sinalihan niyang networking kaya marami yung datung.

"Kuya pahingi akong pera. May paggagamitan lang ako."

"ano project na naman? nako! mga gawain mo talaga. Kunyari may project pero wala naman. Nako mga pangungupit mo talaga. HAHAHAH!" 

tignan mo tong taong to. tama bang maging Tamang Hinala?

"Bakit kuya gawain mo ba yan kay Mama noon? Nung highschool ka?"

"o--Oy hindi ah. ...................................................Minsan lang."

"O tignan mo. Kaya naman pala alam mo yung mga ganyang gawain eh."

"Eh bakit ba? Eh san mo ba gagamitin yung pera? At tska magkano?"

"Eh kasi ako napili ni Ms. Kelly para mag-assist sa Photography Tour na magaganap. 2 weeks din yun. Eh wala akong racket ngayon eh."

"Nako! Niloloko ka lang nun ni Ms. Kelly. Hahaha!"

"Loko ka talaga kuya. Ewan ko sayo.."

"O sya sige na."

"Yown!"

Sa wakas nakahuthut din.

After kumain, hinintay ko muna makaalis si kuya and then ako na lang dito sa bahay. Sanay naman na ako. Kaming dalawa lang naman kasi dito ni kuya. Nanonood ako ng tv habang nakasalampak sa sofa nang naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko sa tabi ko..

1 message received.

From: Karl

beh, bnigay ko number mo kay Renz ah? Ittxt k dw nia. sorry beh.

(vibrate)

1 message received.

From: 092676....

Claudette, Renz to. sensya ka na ha. hiningi ko kay Karl yung number mo. Kailangan ko kasi ng help mo eh.

Bakit ano yun Renz?

Message Sent.

1 message received.

From: Renz

Nasabi kasi sa akin ni Karl na marunong ka dw kumanta at naksalang ka na rin sa mga ilang gigs. Kung wala kang gig pwede ka bang maging proxy ng vocalist namin? wala kasi sya. emergency. Ngayong gabi lang 8pm to 2am.

Ang daldal talaga nun ni Karl. anyway angel in disguise sya. Racket din yun.

Ok. sige. Kita na alng tayo 7eleven malapit sa labas ng Merville Subdivision.

Message Sent.

Nagbihis na ako para dun. At hihintayin daw ako ni Renz dun.

Insecurities May Kill --- (-is on HIATUS-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon