CHAPTER 2

73 3 0
                                    

ALEXADRIA's POV

“Good Morning.” gulat akong napalingon sa taong bumati sakin.

“Oh, Luhan? Ang aga aga anong ginagawa mo dito.?” kunot noong tanong ko sa kaniya. He smiled at me tapos humawak siya sa kaniyang baba na akala mo ay nag-iisip siya.

“Hmm...para maki-kain ng breakfast?..” napataas ng bahagya ang isa kong kilay sa taong nakangiti ngayon sa harapan ko.

“Bakit? Wala ka bang pagkain sa bahay niyo?.” pagsusungit ko sa kaniya at saka ako naglakad patungong basurahan.

“Sungit.” rinig kong sambit niya at saka siya sumunod sakin.

“Akina. Ako na ang magtatapon.” kinuha niya sakin yung malaking itim na plastic bag na hawak ko at sakana ito itinapon sa may basurahan. Tinignan ko lang siya habang pinapagpag niya ang kaniyang kamay.

“Let's go?. Gugutom na ko eh.” aya niya sakin kasabay ng paghimas niya sa may tiyan niya. Inirapan ko na lamang siya at saka na ko bumalik sa loob ng unit ko.

“WaaaaaaaaaH! Ang ganda ganda naman ng unit mo Xia.” he roomed his eyes on my whole unit at pinabayaan ko na lamang siya. Nagpunta na ko sa kitchen para makapagluto ng agahan. Maaga pa kaya hindi pa kami late sa school nakakapagtaka nga eh dahil 6:00 palang ng umaga nandito na tong Usa na 'to...eh ang pasok namin 8:00 pa.

Habang nagluluto ako nakarinig ako ng pagbukas ng TV.. Feel at home na feel at home ah? Sa isip isip ko. Napailing na lang ako....bahala siya. Matapos kong makapagluto nagpunta na kong living room at nadatnan ko siyang prenteng prenteng nakaupo sa may sofa ko habang nano-nood ng ...Hello Kitty? Napataas ng bahagya yung kilay ko. Kalalaki niyang tao nanonood siya niyan?. As in?.

“Usa.. kakain na.” cold na pagkakasabi ko. Mabilis siyang napatingin sa direction ko at saka niya pinatay yung tv. Napansin kong nakangiti ito bago ko siya talikuran. Habang naghahain na ko, nakaupo siya sa may favorite spot ko na upuan. I cleared my throat.

“Lu...Diyan ako.” poker face kong sambit. Kumamot siya sa batok niya at lumipat siya ng upuan sa may harap n'on. Buti naman hindi siya nagreklamo. Eh, bakit ba? Mas comfortable akong nakaupo sa may kanang bahagi ng hapag-kainan.

“Mmmmm...ang sarap naman ng omelette na gawa mo Xia! You are the best!” nakangiti ito habang ngumunguya siya. Hindi ko ba alam kung bakit sa sandaling 'yon ay naging slow mo ang lahat.

That Giant is my FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon