CHAPTER 6

82 3 0
                                    

"Hmmm, Chanyeol-ah, Pwede ba tayo mag-usap?." napatigil kaming parehas. Napatingin naman ako sa babaeng gustong kumausap kay Higante. Siya yung babaeng may color blonde curl na buhok. Siya yung babaeng kaninang napansin kong nakatingin sakin kaninang umaga. Siya pala si Yumi?. Sino naman siya? At anong kailangan niya kay Higante?. Napatingin naman ako sa lalaking nasa tapat ko na bigla nagbago ang mood. Napataas ng bahagya ang aking kilay ng biglang magsalita si Higante.

"Jagiya, kumain ka na ng kumain." nakangiting pa-anyaya niya sakin. Wala ba siyang balak kausapin tong si Yumi?. Kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Higante ng ikinagulat niya naman.

"Hindi mo ba siya kakausapin?." takang tanong ko sa kaniya. Kinunutan niya ko ng noo. Pinandilatan ko siya ng mata ng bigla siyang umiling.

"Please, Chanyeol-ah?. Makipag-usap ka naman sakin." napatingin ako kay Yumi na mukhang naiiiyak na. Napakagat pa ito sa kaniyang labi dahil sa pinipigilan niya sigurong umiyak. Tinanggal ni Higante yung kamay ko sa kamay niya at saka siya nagpunas ng tissue sa may bibig niya.

"Jagiya...bilisan mo at malalate ka na sa next class mo." he still ignoring Yumi. Kaya naman sinipa ko siya sa may binti niya sa may ilalaim ng lamesa ng ikina-aray niya naman.

"Jagiya! Ang brutal brutal mo naman! Huhuhu!" Hindi niya ko makukuha sa paawa.

"Kausapin mo yung tao. Wag mo siyang gawin tanga kakahintay sayo." singhal ko sa kaniya. Tumayo na ko para iwan silang dalawa ng pigilan naman ako ni Higante. Nakatayo na siya't nakahawak na sa may braso ko.

"Saan ka pupunta Jagiya?" rinig kong tanong niya. Nilingon ko siya kasabay no'n ang pagtanggal ko sa kamay niyang nakahawak sa may braso ko.

"Kausapin mo na. Mukhang importante ang sasabihin niya sayo." -Ako.

"Pero--" Higante.

"Wala ng pero pero!" inis na singhal ko sa kaniya kasabay no'n ang pagtalikod ko sa kanila para makaalis na sa lugar na 'yon.

Napabuntong hininga ako. Matapos ang araw na 'yon hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanila. Sana naman kinausap na ni Higante si Yumi. Kawawa naman yung tao hindi niya pinapansin.

Nagstart na yung klase. Wala naman kaintere-interesante tong teacher namin kahit kailan talaga napaka-boring niya kung magturo. Matanda na kasi eh! Tss.! Napabuntong hininga na lamang ako at binaling ko na lamang ang tingin ko sa may bintana. Pero sa paglingon kong 'yon may natanaw akong higante na kumakaway sakin.

Nilakihan ko naman siya ng mata at binigyan ko siya ng ANONG-GINAGAWA-MO-DYAN-LOOK?. Para siyang siraulong kaway lang ng kaway. Ang nakakainis pa nakangiti na naman siya! Bwiset! Freak talaga siya kahit kailan. Inirapan ko na lamang siya at saka ko binalik ang tingin ko sa teacher namin na kasalukuyang nagdi-discuss. Must not pay attention! Must not pay attention!. Must ignored that damn brat! Bulong ko sa aking sarili. Maya maya pa'y naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko mula sa ilalim ng mesa ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

My Yeobo <3 calling...

O....O

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. WHAT THE HELL IS THIS?!

YEOBO??

at may HEART SHAPE pa!

FUTSPA TALAGA TONG GIANT FREAK NA TO!

AT PAANO NIYA NALAMAN YUNG NUMBER KO? HINDI KO NAMAN BINIBIGAY SA KANIYA YUNG NUMBER KO AH? AT ANG NAKAKAINIS PA KAILAN NIYA PA PINAKAILAMAN ANG CELLPHONE KO?!!

Nilingon ko siyang muli sa may bintana at kumaway na naman siya sakin. Naghand gesture siyang sagutin ko yung cellphone ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Lakas niyang makaistorbo alam niya ba 'yon?! Pinatay ko yung tawag at binelatan ko siya...

That Giant is my FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon