"Kailangan ko ng pera!"tumingin ako sa langit, makulimlim at mukhang uulan. Sasabayan mo din ba ako? Malas na araw 'to. Kainis . Saan ako pupunta ngayon? . Iniisa- isa kong pinulot ang mga damit . Ang sama talaga. Mahirap na nga ako, pinag nakawan pa. Ganyan na ba talaga kasakim ang mundo. ?! Kinuha ko sa bulsa ang pitaka ko, 4 hundred nalang at sampung piso. Ibang klaseng magnanakaw nang iiwan pa. Saan ako kukuha ng pera pambayad sa renta?
Hindi ko alam kung saan ako pupulutin . Wala din akong kakilala dito. Lumuwas ako mula sa Quezon Province dahil pinalayas na ako ni Tyang at malamang galit na galit sa akin iyon. Nakaipon ako ng pera pero ninakawan naman ako.
"Iska! " napatigil ako sa pag lalakad ng tinawag ako ni Jason"Si Aling Emma nagwawala na naman" tumakbo ako pauwi sa bahay. Nang marating ako ay marami ng tao . Pinadaan nila ako para makapasok sa loob.
"Lumaaayyass kayong hik laahat. " Pumasok at nakita ko ang mga damit na nag kalat. Mga nagkalat na basag na bote ng alak . Mga upuan na nakatiwangwang . Dumilim ang mukha ni Tiyang ng makita niya ako. "Wa-wallla na akkong peraang hik. ipapaaalamun sayo hik. Kayyaa hik umalis ka na!"
Inilagay ko sa bag ang mga gamit ko.
"Pero Tiyang. "
"Ano hihingi kaaa hik ng perra? . Sabing waalla na ako--"
"May muta pa po kayo." Agad itong nahimasmasan. Dito po oh." itinuro ko ang kanang mata ko at mabilis pa sa alas kwatro ay nasa labas na ako ng bahay dala ang mga gamit ko.
"Walang hiya kang bata ka!" sigaw na sabi . Matapos kitang palamunin ay ito lang ang igaganti mo sa akin, napakawalang hiya talaga" umiling nalang ako , "Hwag ka ng babalik dito. "
Talagang hindi na ako makakabalik doon.
Pinalayas na nga ako. Babalik pa ba ako. ?
Saan ako pupunta ngayon?
Kung mag apply nalang kaya ako ng waitress.?! Mag tinda ng kung ano-ano.
Umupo ako sa gilid ng kalsada habang tumingin sa paligid. Tumingin ako sa langit. Please hwag ka munang iiyak . Hintayin mo muna na makahanap ako ng matitirahan.
"Iha"lumapit sa akin na matanda ."Parang awa mo na , kailangan ko ng pera." Pera.? ako din kailangan ko ng pera.Tumingin ako sa matanda. Parang nahyhypnotize ako sa tuwing tinitignan ko ang mga mata niya. Binigay ko ang 1 hundred. "Kulang 'to iha. " Kumuha ulit ako ng 1 hundred at ibinigay sa matanda . "Kulang ito para sa pamasahe ko paauwi. Pwede bang pakidagdagan ?"
"Ayan na po." binigay ko sa kanya ang wallet ko. "Wala na po akong ibang pera."
"Iha." binalik niya sa akin ang wallet. "Hindi ko na kailangan iyan ." Nakangiti akong nakatingin mga mata niya na tila isang magandang tanawin na dahil hindi ko maalis ang mata ko rito.
"Kailangan mo ba ng trabaho.? Marahan akong tumango . Opo kailangan ko ng trabaho.
" Ito dyaryo". tumingin ako sa matanda at tinanggap ang dyaryo. "Makakatulong ito para makakita ka ng trabahong mapapasukan. Makakatulong ito sa magiging kapalaran mo. " tuluyan na itong umalis .
Maya-maya ay nakaramdam kumukulo ang akin tyan, hinawakan ko ito at hinaplos. Pwede ba nag titipid ako ngayon. Kaya tumahimik ka muna.
Tumayo ako at napansin ko na may nahulog. Pitaka ko lang pala. Nasa loob ito kanina pano napunta sa labas. ?
Tumingin ako sa kamay ko . Isang Dyaryo. Ba't may dala akong dyaryo?Hindi ko maaala na bumili o nagbasa ako ng dyaryo kanina. Gutom na nga talaga ako. Hindi na ako makakaisip ng maayos.
Binasa ko ang nasa dyaryo.
"Do you want to chase your dreams?"
Apply now !
THE INTERVIEW WILL BE START AT 5:00 pm at Forbes Hills.
Ito na ang kasagutan ng lahat. Matutupad ko na ang lahat ng pangarap ko . Pumara ako at sumakay na ng Jeep.
Dahil sa pagmamadali ko ay bumaba ako ng jeep nang hindi pa nakakabayad.
"Miss. Hindi ka pa nakakabayad" lumingon ako sa likod at nakita ko ang manong driver na mukhang mainit ang ulo. Kumuha ako ng pera sa pitaka pero laking gulat ko dahil wala na itong laman.
Saan na ang pera ko?!
"Miss. Paki bilis-bilisan lang dahil may rota pa ako. "
"Magkano po?"
"Treinta pesos lang Miss" nakalahad ang kamay ng driver na diretsyong nakatingin sa pitaka niya.
Kinapa ko ang bulsa ko pero isang kendi lang ang laman. Pano ko 'to malulusutan ngayon..?
"Miss mag babayad ka ba o tatawag pa ako ng pulis" naiinip na tonong sabi ng driver. Lumapit ito sa kanya.
"Opo. Magbabayad po ako. " hinawakan ko ang bag ko . Kailangan kong tumakbo.
"Sandali po ."
Ibinigay ko sa kanya ang kendi at mabilis na sumiksik sa mga tao.Sana hindi ako mahabol ng mamang driver.
"ANAK NG!" sigaw ni manong driver. At hiling ko na sana hindi ako mahuli.
