Sixth Date With Him

72 2 3
                                        

Sixth Date with Him

“now here we stand, unafraid of the future, at the beginning with you…”

“oh talaga? Iniwan ka nilang dalawa kahapon? Haha. Nakakatuwa naman.”

“hmft. Pero iniisip ko pa rin kung ano yung ibig sabihin ng senyas nila noh. Nakakashowbiz masyado”

 

Naglalakad kami ngayon ni Wendy papasok sa UPLB. Ang gara lang eh noh. Karamihan sa mga estudyante dito eh naglalakad lang din papasok. Kaya ayun, hindi boring maglakad.

 

“pero bakit ba gusto mo alamin?”

“wala lang. Siguro curious lang.”

“eh bakit ka nga curious?”

“hindi ko din alam...”

“ang sabihin mo kasi, may gusto ka sa isa sa mga yon. At nalilito ka kung sino ba talagang gusto mo. kaya ayun, lahat ng kilos nung dalawa gusto mo malaman kasi tinitimbang mo sa sarili mo kung sino talagang gusto mo..”

“loka-loka... wala akong gusto sa kahit sino sa kanila noh!”

 

“eh bakit, sinong gusto mo, yung dakila mong ex na iniwan ka? Grabe ka huh, di ka pa makamove on dun eh ang panget-panget nun. Mas gwapo pa dun sina Harry at Troy noh!”

“eh ikaw yata may gusto sa kanila eh. Ayieh!”

 

“bruha.. wag mo idivert saken yang nararamdaman mo. alam ko, at ramdam ko yung nararamdaman mo ok? At alam ko ring nalilito ka sa dalawa. Kasi madalas, nakikita mo kay Troy yung traits ni Harry. Tama ba?”

 

“pero pano mo nalaman?” nakapagtataka kong tanong. Kahit minsan eh hindi ko sinabi sa kanya yun ah.

“nahalata din yan ni Zyke. Alam mo yung araw na pinatugtog mo sa netbook mo yung composition ni Harry? Nakatulugan mo nga ang pakikinig dun eh. Tapos pag naririnig mo yung tunog na yun eh lagi na lang kumukunot yung noo mo. ibig sabihin, naguguluhan ka sa tunog na yun tama?”

 

“k-kasi...”

 

“kasi nalilito ka sa nararamdaman mo di ba? Nalilito ka na kahit alam mong si Harry ang nagcompose nun eh si Troy pa rin ang naiisip mo pag naririnig mo yun?”

 

Bilib na talaga ako kay Wendy. Haha. Sarap nya isilid sa sako at iuwi sa bahay.

“oh bakit natahimik ka? Bilib ka na saken noh? Haha... kahit di mo sabihin... alam ko... at mas lalong alam ko na kailangan mo ng tulong ngayon... pero hindi kita tutulungan... malaki ka na Tet, saka problema mo na yan. Wala rin naman akong maitutulong di ba? Ang kelangan mo na lang gawin ay maramdaman ang totoo mong nararamdaman.”

 

“haha. Adik. Pero pano ko naman gagawin yun?”

“simple lang. Pakinggan mo yung tibok ng puso mo kapag kasama mo sila.”

First ten Dates With Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon