Seventh Date With Him

71 2 5
                                        

Seventh Date With Him

“Through there were somebody somewhere… I need love in the dark… now I know my dreams will live up.. I’ve been waiting so long… nothing’s gonna tear us apart….”

Parang action movies lang.

Parang napanood ko na to eh.

Yung bigla ka napatigil sa pagtiptoe mo at huminga ng malalim.

Yung hindi ka tatakbo kundi magkukunwaring napadaan lang.

Napanood mo na to.

Pahamak na cellphone. Aish. Sino ba nagtext?

Pagbukas ko, GM lang pala.

Biglang napalabas yung dalawang kumag sa pinagtataguan nila at deadma naman ako sa paglalakad. Kunwari napadaan lang. Sakto naman na may iba ring dumadaan sa pathway.

Ano kayo ngayon ha?

“boss! Sya yung babae! Hayun oh!”

 

Anak ng...!

Kanina kampante pero nung napaligon ako nakita kong malapit na nila akong abutan! BRR! Sige takbo lang. Takbuhan pala gusto nyo ha? excuse me... magaling ako sa running.

May naalala tuloy ako habang tumatakbo ako.

“napanaginipan kong tumatakbo daw ako.may humahabol kasi sakin na isang fratman”

“oh talaga? Bakit ka naman nya hinahabol?”

“ewan, basta galit yata samen yung mga yun eh.”

“bakit sila galit?”

“maraming dahilan eh. Unang-una binibisto namin ang kalokohan nila. Tapos ayun napapatalsik sila.”

“ganun pala yun. Eh di napakapanganib pala maging staff dyan sa inyo noh?”

“sobra...”

 

Napapagod na ako. Lumiko ako sa isang eskinita. Di ko alam kung asan na ko eh. GRABE. Iba pala ang experience na ganito. Kala ko sa pelikula lang to nangyayari pero heto, naeexperience ko na.

Tatkbo na ulit sana ako pero bigla na lang may nagtakip ng bibig ko. At tuluyan na kong nawalan ng malay.

Paggising ko, andito ako sa isang bodega. Anak ng tinapa. Ano bang gulo ang napasok ko? Nahuli na ba nila ako? Ano kayang gagawin nila saken? Dudukitin na ba nila ang mga mata ko?

May narinig akong nag-uusap ng mahina kaya nagkunwari akong tulog.

“ano ba Troy? Nadadamay na sya saten oh. Wala naman syang kasalanan pero dinamay pa rin nila. Kasalanan ko to eh. Ang inaalala ko lang... baka mapahamak na talaga sya.”

“eh kung sabihin na kasi natin sa kanya? Ang hirap na ng sitwasyon natin oh.. sa mata nya, ako si Harry at ikaw si Troy... kahit mga kaklase natin kinuntsaba natin.. di ka ba naaawa sa kanya? Niloloko natin sya! Sabihin na kasi natin... para di sya naguguluhan kung bakit sya hinahanap ng mga fratmen na yun! At para makapagpakilala ka na”

First ten Dates With Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon